passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Steamy
/
Favourite Obsession
Favourite Obsession

Favourite Obsession

Steamy

dot
eye

2.4K

Description

Things were normal for Virgo. Until one day, her parents were killed in front of her. For years, she wallowed in misery until she decided to move-on and start working. Virgo became a secretary of Kallean Financial Firm. There, she met Lucien Kallean, the owner of the company. She tried her best to avoid him. Lucien had this dangerous and mysterious aura about him. She knew because of the incessant pounding on her chest whenever she sees him. But the insolent man kissed her and the world seemed to lose all sense.

Moving On
Passionate
Steamy
Hot

Chapter 1

Apr 9, 2022

VIRGO

“VIRGO! You listen to me!” malakas ang boses na sabi ng kanyang ama habang naglalakad siya palapit sa pinto ng bahay. “Hindi ka aalis ng bahay. Hindi kita papayagang pumunta sa party na `yon! Hindi ka ba natatakot na baka nasa paligid lang ang stalker na `yon at saktan ka?”

Huminga siya nang malalim. “Daddy, I’m already twenty-one. Magiging okay lang po ako. Saka, hindi naman po totoo na may stalker ako. Nasisiguro kong kung sino man ang nagpadala ng mga stolen pictures ko dito sa bahay, hindi siya isang stalker. Maybe it’s just a prank. You are after all one of the most famous congressmen in the country. Baka gusto lang kayong takutin sa pamamagitan ng mga larawan ko.”

“Larawan mo na natutulog, Virgo.” Bakas ang galit sa mukha ng ama. “Ibig sabihin, nakapasok siya sa kuwarto mo.”

Kinilabutan si Virgo sa sinabi ng ama, pero hindi iyon sapat para hindi um-attend sa birthday ng pinsan niya.

“Baka naman—”

Umiling-iling ito. “Hindi. Sabi ng mga pulis, mag-ingat ka. Virgo, we already talked about this—”

“I’m still going to that party, Dad,” sabi niya. “It’s Lea’s birthday.” Si Lea ay pinsan niya sa ina. “Ayokong isipin niya na hindi ko siya suportado sa kaarawan niya.”

Her father sighed. “Anak naman, eh. Listen to me. Puwede mo namang puntahan bukas ang pinsan mo. Ipaliwanag mo kung bakit hindi ka nakapunta. Maiintindihan naman niya `yon.”

Umiling si Virgo. “No. I’m going.” Binuksan niya ang pinto at mabilis na lumabas sa bahay.

Mabilis din siyang pumara ng taxi at nagpahatid papunta sa bahay nina Lea kung saan gaganapin ang birthday party.

Wala sa sariling napatingin si Virgo sa rearview mirror ng taxi. Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila ng driver. Ang mas ikinakabog ng dibdib niya ay nang makitang itim ang buong mga mata nito. Wala siyang puti na makita.

Napakapit si Virgo sa gilid ng upuan sa backseat at marahas na ipinilig ang ulo. Baka imahinasyon lang niya iyon. Sino naman ang taong walang puti ang mga mata? Madilim sa taxi kaya siguro hindi niya nakita.

Para makasiguro, tumingin ulit si Virgo sa rearview mirror. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang normal naman ang mga mata ng driver.

God! Ano ba ang nangyayari sa akin? She was hallucinating.

Nang makarating sa bahay nina Lea, mabilis siyang nagbayad. Taxi drivers usually held out their palms for payment, pero ang driver ngayon, hinawakan talaga ang kamay niya na may hawak na perang pambayad.

“M-Manong, b-bitawan n’yo po ako,” kinakabahang sabi ni Virgo.

Tumingin ang lalaki sa leeg niya. Para bang may masarap na pagkain itong nakikita roon. “Ang bango mo naman, Miss Virgo.”

Nanlaki ang mga mata ni Virgo nang marinig ang pangalan niya na binanggit nito. “P-paano mo nalaman ang p-pangalan ko?” Mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya. “B-bitiwan mo ako.”

Ngumisi ang lalaki. “Okay, Miss Virgo.”

Nang bitawan nito ang kamay niya, mabilis siyang lumabas sa taxi at patakbong pinuntahan ang gate ng bahay nina Lea. Abot-abot pa rin ang kaba na nararamdaman ni Virgo. Halos hindi na siya makahinga nang maayos.

Kung nakita lang niya ang mukha ng lalaki, magsusumbong siya sa mga pulis. Pero madilim sa loob ng taxi. Tanging ang mga mata lang nito ang naaninag niya.

Nang makapasok si Virgo sa loob ng bahay, doon lang siya kumalma.

“You okay, cousin?” nag-aalalang tanong ni Lea nang makita siya nitong pumasok sa loob ng bahay.

Virgo composed herself. “Yeah. I’m fine.” Huminga siya nang malalim. “Nakakatakot lang `yong taxi driver.”

Inilingkis ni Lea ang braso nito sa braso niya. Sabay silang naglakad. “Hindi ba, sinabi ko na sa `yo na huwag kang sasakay sa taxi? Hindi ka kasi nakikinig, eh. May kotse naman kayo. Why not use it?”

“Ayaw akong payagan ni Daddy,” sagot niya. “It’s the stalker thing again. Naniniwala siyang may stalker talaga ako, which is totally absurd.”

“Ang ganda mo naman kasi, eh. Worth it kang i-stalk,” nakangiting sabi nito.

“Hindi ako maganda,” mariin niyang sabi.

Lea rolled her eyes. “Yeah. And pigs can fly. Anyway, kalimutan mo muna ang stalker at ang daddy mo. Kaarawan ko ngayon, We are going to get wasted!” sigaw nito habang may malapad na ngiti sa mga labi. “Woohoo! Let’s party!”

Natatawang nagpahila siya kay Lea papunta sa malaking solar kung saan nandoon ang party. Halos lahat ng imbitado ay mula sa mayayamang pamilya. Hindi naman iyon nakapagtataka. Anak si Lea ng CEO ng Kallean Financial Firm. Isa iyon sa pinakasikat at kilalang financial firm sa buong Asya.

Lea smiled at her. “Pick a table. I’ll be with you in a minute,” sabi nito at iniwan siya nang hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit.

Then, Virgo saw Lea walking towards a handsome man. Napailing-iling na lang siya. Oh, well, it was Lea’s birthday. She ought to have some fun.

Tulad ng sinabi ng pinsan, humanap siya ng table. Virgo picked the table in the corner. Medyo malayo iyon sa dance floor. Nang makaupo, tinawag niya ang waiter at um-order ng mojito. A minute later, her mojito arrived.

Habang umiinom, kumunot ang noo ni Virgo nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Inilibot niya ang tingin. Napako ang mga mata niya sa terasa ng bahay.

May taong nakatayo sa madilim na bahagi ng terasa. Kung hindi nagkakamali si Virgo, nakatingin ang taong iyon sa kanya. Mabilis siyang nagbaba ng tingin saka tumingin ulit sa terasa. Nagpakawala siya ng malalim na hininga nang makitang wala nang tao roon.

Virgo turned her attention to her mojito and sipped it. This night is weird.

Inubos niya ang iniinom at nagpunta sa dance floor para sumayaw. Many men approached her while she was dancing. Wala siyang pakialam. Umeepekto na yata ang alak na nainom niya. Nawawala na ang inhibisyon sa kanyang katawan.

Habang nagsasayaw, may mojito siyang hawak at iniinom iyon nang paunti-unti.

Napatigil si Virgo sa pagsasayaw nang maramdamang may nakatingin na naman sa kanya. Her eyes settled on the terrace again. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang may tao na naman roon. Nasisiguro niyang sa kanya ito nakatingin. Nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.

Nang umalis ang taong iyon sa terasa, saka lang siya nagbawi ng tingin.

This is very weird, sabi niya sa sarili.

HOURS later, nakailang shot na ng mojito si Virgo. Umiikot na ang paningin niya. Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa kanya. Itutulak niya sana ang pangahas nang makitang si Lea iyon. Unlike her, Lea appeared to be sober.

“Hey, cousin,” sabi nito. Kumunot ang noo ni Lea nang makitang medyo lasing na siya. “Ano’ng nangyari sa `yo? Inubos mo ba lahat ng alak sa bar?”

Bumungisngis siya nang walang dahilan. “No, I didn’t.” Bumungisngis siya uli. “I think I’m drunk.”

Pinaikot ni Lea ang mga mata. “Isang oras lang kitang pinabayaan. Lasing ka na agad?”

Virgo giggled. “I’m not drunk.” Tinakpan niya ang bibig nang maramdamang nasusuka siya. “Just… tipsy.”

“Kung ganoon, bakit ka nasusuka?” nakataas ang kilay na tanong ni Lea.

Nagkibit-balikat si Virgo. “Hindi ko alam—” Napatigil siya sa pagsasalita at biglang nagduwal. “Oh, shit! Excuse me.”

Tumakbo siya papasok sa bahay at naghanap ng available na banyo. Kailangan pa niyang umakyat sa second floor. May gumagamit kasi sa banyo sa first floor.

Virgo hurriedly entered the bathroom near the mini bar on the second floor. Bukas ang pinto niyon kaya naman dere-deretso siyang pumasok. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw. Agad naman kasi niyang nakita ang lababo.

Virgo vomited in the sink. Nakahawak siya sa gilid ng lababo habang sumusuka. Doon siya kumukuha ng lakas para hindi mabuwal sa pagkakatayo. Pagkatapos sumuka, nagmumog siya at napaatras dahilan para tumama ang likod niya sa likod ng pinto at sumara iyon. Napasinghap siya nang mapalibutan ng kadiliman.

Virgo hated darkness. Kaya naman nagmamadali niyang kinapa kung nasaan ang doorknob at pinihit iyon pabukas.

Malutong siyang nagmura nang hindi iyon bumukas kahit anong pilit siya. Ang ginawa ni Virgo, kinapa niya ang dingding at hinanap kung nasaan ang light switch. Agad naman niya iyong nahanap dahil nasa gilid lang ng pinto. But when she switched on the light, it was not working.

“Shit!”

Sira iyon, dahil kahit anong “on” niya sa light switch, madilim pa rin ang banyo. Therefore, Virgo did the most logical thing to do. Sumigaw siya at pinagbabayo ang pinto para may makarinig sa kanya.

“I’m stuck! Open up! Please? May tao rito! Buksan n’yo ang pinto!” sigaw niya habang panay pa rin ang bayo sa pinto. “Please? May nakakarinig ba sa akin? Buksan n’yo ang pinto! Please, buksan—”

“Kaya nga hindi ko isinara ang pinto. The owner of this house told me that the door usually gets stuck from time to time,” sabi ng baritonong boses.

Napasinghap si Virgo saka humalukipkip na para bang kayang protektahan ng mga braso niya ang katawan. Biglang nawala ang kalasingang nararamdaman kani-kanina lang.

“S-sino ka?” kinakabahang tanong niya.

“You know…” The baritone voice drawled. “It’s really rude to barge into the bathroom while someone is peeing.”

Napamulagat si Virgo. “G-ganoon ba? S-sorry,” nauutal na sabi niya habang panay ang pihit sa doorknob para bumukas iyon, pero hindi talaga.

“Okay lang.”

Nakarinig siya ng yabag palapit sa kinatatayuan niya.

“B-bakit ka naglalakad? Baka mabunggo o tumama ka sa kung saan,” sabi niya na kinakabahan. “Madilim pa naman.”

“It’s okay. I can manage in the dark.” There was a hint of smile in his voice. “How about you? You’re quivering. Is that fear of the dark or fear of strangers speaking to you who are also stuck in this bathroom?”

Paano nalaman ng lalaki na nanginginig siya? Madilim naman para makita nito ang panginginig niya.

Virgo gulped audibly. “B-both.”

Mahinang tumawa ang lalaki na para bang nakakatawa ang sinabi niya. That irritated her.

The man chuckled. “Sorry, I irritate you.”

Natigilan si Virgo. What the! Paano nito nalaman na naiirita siya?

“Hindi ako naiirita,” pagsisinungaling niya. Baka kapag sinabi niyang naiirita siya, bigla siya nitong saktan. Lalaki pa rin ito at mas malakas sa kanya. At isa pa, they were stuck. Baka kung ano ang gawin nito sa kanya.

“And now, you’re afraid,” sabi ng lalaki na ikinagulat at ikinanerbiyos niya. “Wala naman akong ginagawang masama sa `yo para matakot ka,” dagdag nito.

Mas idiniin ni Virgo ang katawan sa pinto. “H-hindi ako natatakot.”

“I can smell your fear,” sabi nito na mas ikinatakot niya.

Hindi umimik si Virgo at walang ingay na dumausdos ng upo sa sahig. Yakap niya ang mga paa habang pinapakiramdaman ang galaw ng lalaki. Hindi na rin nagsalita uli ang lalaki. Sa tunog ng boses nito, pakiramdam niya, kaedad lang niya ang lalaki o kaya naman, mga ilang taon lang ang agwat ng edad nila.

Then, Virgo heard it. Faint sound of footsteps coming her way.

“Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya na kinakabahan.

“Walking.”

“Hindi ka ba natatakot na baka mabunggo o matumba ka?” tanong na naman niya.

“Hindi,” sagot ng lalaki habang palapit nang palapit ang yabag sa kanya. “I can see just fine.”

“Pero madilim at—” Tinangay ng hangin ang sasabihin niya nang maramdamang may tumigil na bulto sa harap niya pagkatapos ay lumuhod ito. “A-ano’ng… Nasaan ka na?”

“I’m in front of you.” Tumatama ang hininga ng lalaki sa mukha niya.

Sa halip na matakot dahil malapit ito, kumalma si Virgo. Biglang nawala ang iritasyon at takot na nararamdaman niya kani-kanina lang. And when the man touched her wrist, she felt at ease. She felt like she’d be safe with him.

“There,” said the man with a baritone voice. “Huwag kang matakot. Hinding-hindi kita sasaktan.” Habang sinasabi iyon, inaalalayan siya nito patayo.

Nang nakatayo na nang tuwid si Virgo, naramdaman niyang pumalibot ang braso ng lalaki sa baywang niya at hinapit siya palapit. Something inside her was shouting no. However, she couldn’t control her body and emotion. Hinayaan niyang yakapin siya ng lalaki at haplusin ang likod niya.

“Natatakot ka pa ba?”

Yes!

“No,” sabi niya sabay iling.

“That’s good.” The man then groaned. “God, you smell delicious.”

Naramdaman ni Virgo na bumaba ang mukha nito sa leeg niya. And then, he nuzzled his nose against her bare neck.

“Hmm… God! Ang bango-bango mo. Ikaw na yata ang may pinakamabangong dugo na naamoy ko.”

Para siyang robot na nakatayo lang habang pinaglalandas ng lalaki ang dila mula sa balikat niya papunta sa gitnang bahagi ng leeg niya.

“A-ano’ng g-ginagawa mo?”

“Just a taste, sweetheart,” bulong nito sa tainga niya. Pagkatapos, naramdaman niya ang dalawang matalas na bagay na bumaon sa leeg niya.

Virgo expected pain to assault her, but nothing. She didn’t feel anything. Actually, iba ang nararamdam niya. She felt turned on. Pakiramdam niya, hinahalikan at sinisipsip ng lalaki ang leeg niya. Mahina siyang napaungol sa sensasyong hatid niyon.

“Hey! May tao ba riyan?” sabi ng boses mula sa labas sabay bukas ng pinto. Pero hindi iyon nabuksan kasi nakaharang ang likod niya.

The man instantly pulled away from sucking her neck, licked her neck and then he let go of her wrist. Nang bitawan ng lalaki ang pulsuhan niya, bumalik ang takot at pangamba sa dibdib ni Virgo kanina. Pero bigla na namang nawala ang nararamdamang iyon ng takpan nito ang mga mata niya gamit ang palad at bumulong sa tainga niya.

“You’ll see me again, sweetheart, but not today,” sabi nito at mabilis ang kilos na lumabas sa banyo.

Virgo moved instinctively. Lumabas siya sa banyo. Hinanap ng mga mata niya ang lalaking pangahas na humalik sa leeg niya.

“Ayos ka lang ba, Miss?” tanong ng boses ng lalaki mula sa likuran niya.

Mabilis siyang humarap sa nagsalita. “I-ikaw ba `yong—”

“Good God!” the man exclaimed, stopping her question. Itinuro nito ang leeg niya. “Ano’ng nangyari sa leeg mo? Dugo ba `yan?” Puno ng pagtataka ang mga mata nito.

Mabilis na humawak ang kamay niya sa leeg na hinalikan ng lalaki. Virgo grimaced when she felt a sticky liquid on her neck. Mabilis siyang humarap sa pinakamalapit na salamin. Napanganga siya nang makitang may dugo nga sa leeg niya. Pero wala naman siyang sugat.

Wait, dumudugo ba ang bibig ng lalaking `yon?

Kinilabutan si Virgo sa naisip. Mabilis niyang tinanggal ang dugo sa leeg gamit ang kurtina na malapit sa kanya. Nandoon pa rin ang malansang amoy ng dugo, pero wala siyang pakialam. Mabilis siyang bumaba sa hagdan papunta sa first floor habang hawak ang leeg. Hindi mawala sa isip niya ang lalaking pangahas.

“Virgo!” Boses iyon ng ama na ikinaputol sa pag-iisip niya.

Tumingin siya sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses. “Daddy.” Nakatayo ang ama niya sa pintuan. Madilim ang mukha nito.

“Halika. Umuwi na tayo,” sabi nito.

Hindi na nagreklamo si Virgo nang hawakan siya ng ama sa braso at hinila palabas sa bahay, papunta sa naka-park nitong sasakyan. Nang papasukin siya nito sa back seat, nalaman niyang nandoon ang kanyang ina, nakaupo sa passenger seat.

“Mommy…” pabulong niyang sabi.

Bumaling sa kanya ang ina. “Pasensiya ka na, anak. Nag-alala kami sa `yo, eh. Alam mo naman na sinabihan na tayo ng mga pulis na mag-ingat habang hindi pa nila nahuhuli ang nagpadala ng mga larawan mo.”

Tumingin si Virgo sa labas ng bintana. Gulat siyang napasinghap nang makitang may lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada at nakatingin sa sasakyan nila. No, nakatingin ito sa kanya mismo. She could feel that person’s eyes.

Nagbawi siya ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa ama na nakaupo na sa harap ng manibela at binubuhay ang makina ng sasakyan.

“I’m sorry, Daddy,” sabi niya. “Sorry dahil pinag-alala ko kayo,” nakatungong dagdag niya.

“Ayos lang `yon, anak. Uuwi na tayo,” sabi ng ama niya. Pinatakbo na nito ang sasakyan.

Ihinilig ni Virgo ang likod sa back seat at ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit nang biglang nagmura ang ama niya.

Mabilis siyang nagmulat ng mga mata. Nakita niyang may taong nakatayo sa gitna ng kalsada. Dahil sa gustong iwasan ng ama niya ang taong iyon, kinabig nito papuntang kanan ang manibela dahilan para malakas na sumalpok ang sasakyan nila sa isang malaking puno na natumba. Huli na para sumigaw sa takot. Parang naumid ang dila ni Virgo habang nakikita ang sasakyan na sasalpok sa malaking puno. Tumama ang ulo niya sa salamin dahilan para mawalan siya ng malay.

WHEN Virgo woke up, nasa labas na siya ng sasakyan nila at nakahiga sa gilid ng kalsada. Kahit masakit ang katawan, pilit siyang tumayo para hanapin ang mga magulang.

Pero bago pa makagalaw sa kinatatayuan si Virgo, nakita niya ang mga magulang sa gitna ng kalsada. Nakahandusay ang mga ito at naliligo sa dugo. Nag-umpisang tumulo ang mga luha niya habang naglalakad palapit sa mga magulang.

A loud horrific scream came out from her mouth when she saw the mutilated body of her parents. Nakilala lang ni Virgo ang mga ito dahil sa damit na suot. Nababalot sa dugo ang mga magulang niya. Hindi siya makahinga habang nakatingin sa mga ito.

“No!” sigaw niya habang nanginginig sa takot ang buong katawan. “H-hindi… Hindi puwede. Mommy? Daddy?”

Lalapitan sana ni Virgo ang mga magulang nang may humawak sa braso niya at pinihit siya paharap. Nabalot ng takot ang buong pagkatao niya nang makita ang lalaki na nasa harap. Nagkalat ang dugo sa bibig nito, pati sa kamay at damit. Nanginginig ang mga tuhod na napahakbang siya palayo, pero hindi siya hinayaan ng lalaki.

“B-bitiwan—”

“Sshh… Tumingin ka sa akin, Virgo.”

Dahil sa takot na nararamdan, sinunod niya ang sinabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga mata nito. It’s all red and no white.

“H-halimaw… Halimaw!” Pilit niyang inaagaw ang kamay na hawak nito at naghe-hysterical na umiyak. Puno ng takot ang buong pagkatao ni Virgo. Ang tanging gusto niyang gawin ay tumakbo palayo sa halimaw.

“Sshh…” Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. Virgo shrinked away from the man’s touched.

“A-ano’ng ginawa mo sa mga magulang ko?” nanginginig ang boses na tanong niya habang wala pa ring tigil sa paghagulhol.

Patuloy nitong hinaplos ang pisngi niya. “Pinatay ko sila. Inilalayo ka nila sa akin. Hindi ko sila hahayaan.” Hinawakan ng lalaki ang mukha niya. Nakita na naman ni Virgo ang mga mata nitong puro pula at ang mukhang nababalot sa dugo. “Ang ganda-ganda mo talaga, Virgo. Nakakabaliw ang kagandahan mo. Nababaliw ako sa `yo. Ang ganda mong `yan ang nakakuha sa interes ko. Ang bango-bango mo pa. Pinatay ko lang naman ang mga magulang mo dahil sagabal sila sa mga plano ko sa `yo.”

Ngumiti ang lalaki. Halos mabuwal si Virgo sa kinatatayuan nang makita ang dalawang matatalas na ngipin na sumisilip sa bibig nito.

“A-ano’ng… B-bakit mo ginawa—”

“Para magkasama tayo, Virgo.” Inilapit ng lalaki ang bibig sa bibig niya at pilit siyang hinahalikan.

Mariin niyang itinikom ang bibig. Kahit anong pilit nito, hindi niya binuksan ang bibig niya. Napasinghap si Virgo sa sobrang gulat nang bigla na lang may humila palayo sa lalaki. Nang ilibot niya ang tingin, wala na roon ang lalaking nababalot ng dugo ang bibig, kamay at damit. Baka isang panaginip lang ang lahat. Pero ang walang buhay na katawan ng mga magulang sa kalsada ang pruweba na hindi iyon isang masamang panaginip lang.

Then, Virgo heard a woozing sound of air. Bago pa siya makagalaw sa kinatatayuan, may yumakap sa kanya mula sa likuran. Bago pa siya makapagpumiglas, may bumulong na boses sa tainga niya.

“Sleep,” a baritone voice whispered.

Kahit nilalabanan ni Virgo ang mga mata na hindi pumikit, namimigat ang talukap ng mga mata niya. Wala siyang nagawa kundi magpadala sa antok na nararamdaman. The next morning, she woke up in the hospital. Alone and scared.

Favourite Obsession

Favourite Obsession

35 Chapters

close

book

35

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101