
Description
"When you came into my life, my heart exploded with love I didn't know was possible. My world is suddenly brighter and everything seems perfect."
Chapter 1
Feb 9, 2022
C hapter 1
AT THE age of twenty-nine, Dominick “Dock” del Fierro already had a lot of responsibilities in life. So much pressure had been placed on his shoulders. So many rules he had to follow.
Akala ng marami, namumuhay siya na parang isang hari sa isang palasyo. Bata pa lang, isinasama na siya ng lolo niya sa kompanya at itinuturo ang pasikot-sikot sa pamamahala roon.
Disiotso anyos pa lang si Dock, isinabak na siya sa trabaho ng lolo niya. Tinuruan siya kung paano pamahalaan ang kompanya nito. Nang mamatay ang matanda, sa kanya naiwan ang lahat ng responsiblidad sa buong kompanya at pamilya.
Tagapangalaga siya sa tatlong kapatid at alcoholic na ina. Pinamamahalaan din niya ang isa sa pinakamalaking shipping line company. Si Dock na ang tumayong padre de pamilya mula nang iwan sila ng ama.
Fifteen years old siya nang umalis ang ama at sumama sa ibang babae. Iyon ang naging dahilan kaya halos gabi-gabing lasing ang ina at parang kinalimutan nang may mga anak pa ito. Napakabigat ng responsibilidad ni Dock. He never really got the chance to be a kid. He was born to carry tons of burdens in life. He would be the last person to say life was easy.
Kapag gusto niya ng katahimikan at takasan pansamantala ang realidad, naglalayag si Dock sa gitna ng karagatan nang ilang araw kasama si Pegasus—ang yate niya. Tulad na lang ngayon, isang linggo na siyang nasa laot.
Dock wanted some peace. He wanted to escape from his world for a while. Pero isang linggo lang iyon. Hindi na puwedeng lumagpas pa roon ang bakasyon niya. Once a year lang niya ginagawa iyon. Nagkataon lang na napapunta siya sa Dinagat Island para tingnan ang islang binili.
Minsan, kapag nakakakita si Dock ng mangingisda, nakakaramdam siya ng inggit. Ang simple ng buhay ng mga ito. Minsan na niyang pinangarap na manirahan na lang sa isang isla at maging mangingisda. He wished he could, but he couldn’t. Hindi niya kayang pabayaan ang kanyang pamilya.
Dahan-dahang bumuntong-hininga si Dock, saka pinagmasdan ang papasikat na araw sa silangang bahagi ng Dinagat Island. Nakatukod ang dalawang braso niya sa barandilya ng yate. Maaga siyang nagising kaya naisip niyang lumabas ng cabin.
The view of the sunset and sunrise were Dock’s favorite sceneries when he was a kid. Bata pa lang, pinaniwala na siya ng lola niya na ang pagsikat ng araw ay bagong simula ng buhay. May kasama lagi na magandang mangyayari ang pagsikat ng araw. Pero habang lumalaki, kabaliktaran ang naging paniniwala niya. Sunrise was the beginning of struggle in life and sunset was the beginning of nightmare and misery.
Gabi-gabing nag-aaway ang mga magulang niya noon. Ngayon naman, gabi-gabing lasing ang kanyang ina. Sa umaga, iba’t ibang source of stress ang nae-encounter ni Dock sa trabaho. Sometimes, he couldn’t help but feel a twinge of envy for his friends. Tres and Alford came from great families. He and Wilson came from assholes.
Tumuwid ng tayo si Dock at dinala sa bibig ang lata ng soya milk. Ininom niya ang natitirang laman. Tuluyan nang kumalat ang liwanag sa buong karagatan. Itinapon niya ang lata sa dagat, saka tumalikod para bumalik sa loob ng cabin.
Natigil si Dock sa paghakbang nang may tumama sa likod ng kanyang ulo. Ikinangiwi niya iyon. Niyuko niya ang bagay na tumama sa ulo. Lata iyon ng soya milk na itinapon niya. Gumulong iyon habang lumalabas ang tubig na laman. Sadyang pinuno ng tubig bago ibinato pabalik.
“Sino ang nagtapon nito?”
Bumalik si Dock sa gilid ng yate. Ang nakakunot niyang noo, lalong kumunot nang makita ang isang babae na palutang-lutang sa tubig habang nakatingala sa yate. Ano ang ginagawa ng isang babae sa gitna ng dagat at sa ganitong oras pa? Hindi naman siguro ito sirena.
Agad niyang hinanap ang bangka na puwedeng pinanggalingan nito, pero wala.
“Dayo ka, `no?” sigaw nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa babae. “Kailangan ko pa bang maglagay ng karatula na ‘ b asura mo, ibulsa mo?’ Kayong mayayaman, wala talagang pagpapahalaga sa kalikasan.”
Pagkatapos siyang sigawan, lumangoy ang babae sa kabilang bahagi ng yate. Patakbo namang pinuntahan ni Dock ang kabilang bahagi para sundan ito. Nandoon ang isang maliit na bangka. Nilapitan iyon ng babae, saka sumakay roon. Sa pagsakay ng babae, tumaas ang laylayan ng suot nitong puting daster kaya nakita ang suot nitong cycling shorts. Pabulong-bulong pa ito habang inaayos ang fishnet.
Muli itong tumingin sa direksiyon niya. “Ang kaunti ng huli kong isda dahil sa `yo! Puwede bang huwag mong itambay ang yate mo rito dahil nabubulabog ang mga isda?” Sinamahan pa nito iyon ng pagkumpas ng kamay.
Bumuka ang bibig ni Dock para sana humingi ng pasensiya, pero itinikom din niya nang walang maisip na salita. Binuhay ng babae ang makina ng bangkang de motor. Nang paandarin nito ang bangka, noon siya medyo nahimasmasan sa pagkatulala.
“Miss, sandali!” Nilingon siya ng babae. “Ano ang pangalan mo?”
“I don’t talk to strangers! ”
Don’t talk to strangers, eh, kanina pa nga ito salita nang salita. Nang tuluyang umandar ang bangka, nagmadali siyang bumaba sa lower deck. “Nognog, pakihanda ang speedboat,” utos niya sa beinte-singko anyos na deckhand.
“Ngayon na, b oss?”
“Ngayon na. Hurry up! May hahabulin lang ako.”
Patakbo naman nitong nilapitan ang parking ng speedboat.
Nang makasakay sa speedboat, agad iyong pinatakbo ni Dock. Malayo na ang bangka ng babae. Pero dahil sa bilis ng speedboat, inabutan niya ang babae.
“Bakit ka sumunod?” pagalit nitong tanong.
“I’m Dock.”
“Hindi ko itinatanong ang pangalan mo!” pagtataray nito.
Deadma naman si Dock sa pagtataray ng babae. “Ano ang ginagawa mo sa gitna ng dagat? I thought you were a mermaid.”
“Ano ba’ng ginagawa sa gitna ng dagat? Naglalaba?”
Marahan siyang natawa sa pamimilosopo ng babae. Sinulyapan niya ang baldeng naglalaman ng isda. “Nangisda ka? Mag-isa ka lang?”
Nakasimangot siyang tinitigan ng babae. “Bakit ba ang dami mong tanong? Ang tsismoso mo.”
“Questioning is not a crime.” Pasigaw silang nag-uusap dahil sa ingay ng motor ng mga bangka nila.
“Ano ba’ng kailangan mo? Alam mo, marami pa akong gagawin ngayong araw. Kaunti lang ang huli ko, kaya kaunti rin ang kita. Ngayon, kailangan ko pang mag-angkat ng isda sa ibang mangingisda para may maibenta. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng puwede mong pagtambayan, eh, dito pa. Nabubulabog ang mga isda.”
“Oh, I’m sorry. Magkano ba ang usual na kinikita mo? ”
Tinaasan siya nito ng kilay.
“Babayaran ko na lang. `Tapos, bibilhin ko ang isda mo.”
Lalong tumaas ang kilay ng babae.
“Seryoso ako.”
Itinigil nito ang bangka. Pumuwesto naman siya sa harap niyon. Tinitigan siya nang matagal ng babae bago nagbigay ng presyo. “Ten thousand.”
“Kaya lang wala akong dalang pera. Bumalik tayo sa yate.”
Ngumisi ito, saka umiling. Muling binuhay ang makina nang mamatay iyon. “Umalis ka na riyan at baka banggain pa kita. Hindi ako masisilaw sa yaman mo, ugok ka! Kilalang-kilala ko ang ugali n’yong mayayaman. Dadalhin mo ako sa yate mo. Pagkatapos ano? Pagsasamantalahan mo ako.”
“What? Gusto lang kitang bayaran sa pang-aabalang nagawa ko. Hindi ako masamang tao.”
“Kung gusto mo talagang makatulong, Mister, ialis mo na lang ang yate mo. Sana bukas pagbalik ko, wala na ang yate mo. Dinudumihan mo ang dagat, eh.”
“So, babalik ka pa bukas?” Nakaramdam bigla ng excitement si Dock. May chance pa na makita uli niya ang magandang fisherwoman.
“Alis!” Pinandilatan siya ng babae.
Itinabi ni Dock ang speedboat. Nakuntento na lang siya na ihatid ng tingin ang papalayong babae. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Ngayon lang siya naka-encounter ng babaeng mangingisda. Hindi ito mukhang mangingisda. Mas bagay itong maging model.
DAPAT kanina pa nakaalis pabalik sa Maynila sina Dock. But that woman made him change his plan. Gusto uli niyang makita ang babae. Hindi siya papayag na hindi malaman ang pangalan nito.
Dock was about to sleep, but that woman was hunting him . He was consumed by thoughts of her. She was the most gorgeous and hottest fish erwoman he had ever seen. Her wet hair, wild and untamed, framing her pixie-like face, free from makeup, skin was sun-kissed, glowing from the rays of the sun.
Inabot ni Dock ang magnetic alarm clock sa side table. Isinet niya ang alarm sa alas-kuwatro ng madaling-araw. Siguradong maagang babalik ang babae. Parang madilim pa, nasa laot na ito. Kaya pagsikat ng araw, tapos na rin ito sa pangingisda. Muli niyang ibinalik ang orasan sa side table, iniunan ang dalawang braso at pinilit ang sariling makatulog.
Nang tumunog ang alarm, agad ngang nagising si Dock. He excitedly went to the upper deck, wearing his sweatpants and jacket. He let his eyes rove around the sea, searching for a fishing boat. Naikot na niya ang buong upper deck, pero walang bangka na malapit sa kinaroroonan ng yate.
“She didn’t come back,” he muttered, disappointed.
“HURRY up, sweetie!” tawag ng isang babae sa maliit na bata na tumatakbo sa dalampasigan. May lalaking humahabol sa bata na masayang tumatawa.
“Daddy is approaching!”
Lalong tumili ang bata. Nang marating nito ang kinaroroonan ng babae, binuhat nito ang bata. Hinalikan ng babae ang batang panay ang bungisngis. Ang lalaki naman, ikinulong ang mag-ina sa mga bisig.
“I love you, my queen and princess,” paglalambing ng lalaki sa mag-ina habang nakatingin sa papalubog na araw. . .
Nagmulat si Geallan. Matagal siyang nakatulala bago na-realize na nananaginip lang pala siya. Kalat na ang liwanag. Nakatulog pala siya pagkatapos ihagis ang lambat sa tubig.
Bumalik na naman ang weird niyang panaginip. Matagal-tagal na rin niyang hindi napapanaginipan ang bagay na iyon. Ngayon lang uli. Sino-sino ba ang mga taong walang mukha sa panaginip niya?
Humikab si Geallan at bumangon sa pagkakahiga sa bangka. Inalis niya ang balabal na nakapulupot sa balikat at inilapag sa bangka.
Sana naman, marami na siyang maging huli ngayon. Kapag wala siyang kinita, patay na naman siya sa nanay niya. Kurot, sampal at sabunot na naman ang premyo niya kapag nagkataon. Kung mamalasin, sasamahan pa ng sipa. Masakit pa nga ang cheekbone niya sa sampal dahil tatlong daan lang ang kinita niya.
Namaywang si Geallan at tiningnan ang malaking yate. Medyo may distansiya iyon sa kinaroroonan ng kanyang bangka.
“Nakapakagandang yate,” buong paghanga niyang sabi.
Ano kaya ang hitsura ng loob niyon? Marami kayang kuwarto? Sabi ng iba, may j acuzzi raw ang mga yate.
Pangarap sanang magtrabaho ni Geallan sa isang barko. Iyong kapitbahay nilang nagtatrabaho sa isang cruise ship, nakapagpatayo na ng malaking bahay. Malaki raw ang kita sa barko. Sayang lang at ayaw siyang pag-aralin ng nanay niya. Beinte-kuwatro anyos na siya, pero hayun, mangingisda pa rin.
Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Geallan. Naniniwala siyang balang-araw, matutupad din niya ang pangarap. Pero ngayon, kailangan muna niyang makahuli ng maraming isda para hindi mabugbog ng nanay niya.
Hinawakan ni Geallan ang dulo ng lambat na nakakabit sa dulo ng bangka at sinimulang hilahin.
“Bakit ang bigat?” reklamo niya n ang hindi mahila ang lambat. Bahagya siyang suminghap nang maisip na baka marami nga siyang huli. Muli niyang sinubukang itaas, pero hindi talaga niya iyon mahila.
Nagdesisyon si Geallan na lumusong para makita ang huli. Sumisid siya pailalim. Namangha siya nang makitang marami nga siyang huli, pero dismayado nang makita ang pinakadahilan kung bakit hindi maiangat ang lambat. May malaking drift wood na nasabit sa lambat. Siguradong masisira ang lambat niya. Mas sumisid pa pailalim si Geallan at sinubukang alisin ang malaking kahoy. Ang sanga ng putol na puno ang pumasok sa lambat. Masyadong mabigat at hindi niya maalis ang pagkakapulupot ng lambat.
Nagdesisyon si Geallan na muling pumaibabaw sa tubig para kumuha ng hangin. Pero natigil ang pag-ahon niya nang masabit ang paa sa lambat. Niyuko niya iyon at ilang sandaling pinagmasdan ang paa na pumasok sa butas ng lambat.
Bigla ang pagpasok ng alaala noong bata pa siya. Parang bigla siyang dinala sa nakaraan. Anim na taon si Geallan nang mangyari ang ganoon. Isinama silang magkapatid ng tatay nila sa pangingisda. Itinulak siya noon ng kapatid at nasabit ang paa niya sa lambat.
Nanlaki ang mga mata ni Geallan at ikinampay ang paa sa sobrang pagkataranta. Kumabog ang dibdib niya nang mabalot ng matinding takot. Tuluyan siyang nawala sa focus. Hindi na niya alam ang tama at dapat gawin. Inabot ni Geallan ang paa at pilit inalis sa pagkakasabit, pero hindi niya magawa. Kinakapos na siya ng hininga. Nag-angat siya ng tingin nang maramdamang may humawak sa kanya.
Isang lalaki! Ang lalaki sa yate. Sinubukan nitong alisin ang paa niya mula sa pagkakasabit sa lambat. Patingin-tingin ito sa mukha niya habang ginagawa iyon. Parang nahihirapan ito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nauubusan na siya ng oxygen. Marahan niyang binayo ang dibdib. Mamamatay na yata siya. Kailangan niya ng hangin.
Muling nagmulat si Geallan nang may lumapat sa bibig niya. Ang lalaki! Sakop ng bibig nito ang bibig niya. Pinisil nito ang panga niya para ibuka ang bibig niya. Inilapat nitong mabuti ang bibig sa bibig niya, saka bumuga ng hangin. Ang naninikip niyang dibdib ay nakalma nang makatanggap ng hangin ang baga niya. Ginawa rin niya ang ginawa ng lalaki. Nakatitig ito sa mga mata niya habang nagpapalitan sila ng hangin.
Gumalaw ang mga labi nito. Bahagya siyang suminghap nang marahan nitong kagatin at sipsipin ang ibabang labi niya bago iyon pinakawalan. Tinitigan pa ng lalaki ang mga labi niya bago muling binalikan ang kanyang paa. Ilang sandali lang, napakawalan na nito ang paa niya. Hinapit siya ng lalaki sa baywang at kasama siyang iniahon.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ni Geallan nang makaahon. Mahigpit siyang yumakap sa lalaki habang nanginginig ang katawan sa takot. Hindi niya mapigilang mapahikbi.
“Sshh… Ligtas ka na,” sabi ng lalaki, saka siya masuyong hinaplos sa likod.
Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago siya nito isinakay sa speedboat at dinala sa yate. Nanginginig pa rin ang mga tuhod niya nang makaupo sa swim platform ng yate.
“Akala ko, mamamatay na ako.” Muli na naman siyang humikbi. Sa pagkakataong iyon, mas malakas na.
Hinaplos ng lalaki ang likod niya. “Bakit ka ba kasi nangingisda nang mag-isa? Napakadelikado ng ginagawa mo. Paano kung hindi kita nakita? Eh, di patay ka na.”
Lalong napaiyak si Geallan sa posibilidad na iyon. “Salamat, Manong, ah. Utang ko ang buhay ko sa `yo. Sabihin mo lang kung ano ang puwede kong gawin, gagawin ko ang lahat.”
“Samahan mo na lang akong mag-almusal. Nagutom ako, eh.”
Pinahid ni Geallan ang luha. “Sige, Manong,” tatango-tango niyang sagot.
“Huwag mo rin akong tawaging manong. Dock. Dock ang pangalan ko. Ano ang pangalan mo?”
“Geallan ang pangalan ko.”
“Geallan…” sabi nito.
Bakit ang ganda ng pangalan niya kapag ito ang nagsasabi? Ang sosyal pakinggan. May arte ang G at L.
“`Yong mga isda!”
Tumayo si Geallan. Kailangan niya iyong makuha. Kailangan niyang madala ang mga isda sa bagsakan. Kapag tinanghali siya, wala nang bibili niyon.
“Ang staff ko na ang bahala sa mga isda mo.” Tumayo na rin si Dock.
“Kailangan ko munang maibenta `yon.”
“Ako na ang bibili ng mga `yon. Kailangan ko rin ng supplies dito.” Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila papasok sa yate. “Samahan mo muna akong mag-almusal.”
Wala nang nagawa si Geallan kundi ang sumunod na lang. Kung rapist man ang lalaki, lalaban siya hanggang kamatayan bago nito makuha ang ‘‘virgin island’’ niya.

Get Wild (Fatal Attraction Series 2)
39 Chapters
39
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101