passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Romance
/
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)
Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Romance

dot
eye

179

Description

Leon Fortalejo was able to separate Jewel and Bernard at first. Bernard had a relationship with Sandra so Jewel went to America, with her heart being broken. After years of loneliness and miseries, they reconciled and decided to get married. But Leon Fortalejo had the secret that is destined to ruin the love between them two...

Sweet
Friends to lovers
Romance
Secret

Chapter 1

Nov 28, 2025

Chapter 1

 

Chapter One

 

 

N AHINTO sa pagdidilig ng halaman si Julia nang marinig ang pagdating ng isang sasakyan. Umaliwalas ang mukha nito nang makilala ang sakay. Pinatay nito ang gripo at pinagulong ang wheelchair pasalubong sa bagong dating.

“Jewel, hija...”

Bumaba ang dalagita mula sa jeep, lumakad patungo sa matanda at humalik sa pisngi nito.

“Ano ito? Akala ko ba, sabi ni Marco ay nakatatayo na kayo riyan sa wheelchair `pag may crutches?”

“Paminsan-minsan, hija. Hindi ko naman inaabuso ang sarili ko dahil nanlalambot ang aking mga tuhod `pag matagal akong nakatayo.”

“Kung sabagay,” aniyang lumingon sa kabahayan na tila may hinahanap ang mga mata. “Nariyan po ba si Bernard, Tiya?”

“Naku, eh, nasa koral. Teka at ipasusundo ko kay Agnes.” a kma nitong pagugulungin ang silya papasok sa bahay pero pinigil ni Jewel.

“Huwag na, Tiya, at ako na lang ang pupunta. Gagamitin ko na lang ang jeep.”

“Mabuti pa nga, hija. Matatagalan pa kung mag-uutos ako. Hala sige, lumakad ka na.”

Bumalik sa jeep ang dalagita at pinatakbo ang jeep sa direksyon ng koral.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Julia. Hindi maintindihan ang ginagawa ni Bernard na pag-iwas sa dalagita nitong mga nakaraang araw. At kapag tinatanong naman niya, lagi na’y umiiwas ang binata.

At ang pakikipagmabutihan nito sa babaeng Montejo ay hindi niya gusto. Kahit papaano ay mas magaan ang loob niya kay Alexa kaysa sa kakambal nitong si Sandra. At bagaman magalang ang pakikitungo rito ay hayagan niyang ipinakikita kay Bernard ang disgusto sa babae.

Sana’y makaisip ng matino ang binata bago pa lumawak ang agwat ng hindi pagkakaunawaan nito at ni Jewel. Totoong si Jewel ang napupusuan niya para kay Bernard bagaman napakabata pa nito. Disi-nueve anyos pa lamang.

Pero hindi naman niya sinabing mag-asawa na si Bernard. Madali nang lumilipas ang mga taon at ang mahalaga’y nagkakaunawaan ang dalawa.

Pero sa nangyayari’y nawawalan siya ng pag-asa.

 

MALAYO pa siya’y natanawan na niya si Bernard na nakayuko sa may paanan ng kabayo kasama ang dalawa nitong tauhan.

Lumingon ang binata nang iparada niya sa di-kalayuan ang jeep. Nagsalubong ang mga kilay nito pagkakita sa kanya.

Biglang nakadama ng insekyuridad si Jewel. Talaga bang hindi na siya welcome dito? Hindi na ba nito gustong nagpupunta siya rito sa farm?

Nag-aalangang humakbang siyang papalapit dito.

“Hi! Ano ang nangyari diyan?” tanong niya. Her hands behind her back.

“Umiika. Napilay marahil,” sagot ng binata na hindi lumilingon. “Ipapadala ko nga sa kuwadra at patitingnan ko mamaya sa beterinaryo.”

Hindi na muna nagsalita ang dalagita at tahimik na pinanood ang ginagawa nito.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si Bernard at hinarap siya.

“Napasyal ka,” wika nito sa tonong tila isa lamang siyang ordinaryong kakilala.

“If Moses won’t go to the mountain, then the mountain will come to Moses.”

Sinulyapan ni Bernard ang dalawang tauhan. “Sige na, Ador, Filipe, dalhin na ninyo sa kuwadra iyan at sabihin ninyo kay Agnes na tawagan ang beterinaryo,” utos ni Bernard.

Agad namang sumunod ang dalawang lalaki.

Si Jewel ay lumakad patungo sa koral at sumampa roon. Naupo sa pinakaibabaw.

Pinagmasdan ni Bernard ang dalagita. Hindi niya kailanman pagsasawaang tingnan ang mukha nito. Black diamond, iyon ang tawag niya rito dahil sa maitim nitong mga mata na lalo pang pinaitim ng makapal at mahahabang pilikmata. Ilong na matangos nang bahagya kaysa sa normal na p ilipina. And lips which she sexily pouted when angry and irritated that it made you feel hungry for her kiss.

At saan ba niya ihahalintulad ang makinis nitong balat? Sa latik ba ng niyog o sa pulot-pukyutan?

Pagdating sa anyo ay magkaibang-magkaiba sina Jewel at Emerald.

Si Emerald ay tipikal na mestisa espaniola at kahit ang buhok nito ay deep brown. While Jewel is dark and yet it didn’t make her less beautiful. She has an exotic beauty.

Nililipad ng hangin ang tuwid at mahabang buhok ng dalagita. Katulad ng isang black and silky waterfall.

“Stop staring at me, Bernard,” ani Jewel na pumutol sa ginawang pagsusuri ng binata. “Hindi mo sinasagot ang sinasabi ko.”

“Napakaabala ko ngayon, Jewel. Alam mo namang dalawang beses lang kung umuwi rito sina Marco at Emerald sa loob ng isang buwan mula nang may hawakang mahalagang kaso sa Maynila si Marco. At naatang sa akin ang maraming trabaho,” paliwanag nito na ipinasok ang mga kamay sa bulsa.

“But not really so busy with other people. Women specially,” akusa niya.

Nang hindi agad sumagot si Bernard ay nagpatuloy ang dalagita. “This is a small town, Bernard. At ang subdivision na kinatatayuan ng bahay ng mga Montejo ay pag-aari ng Lolo. Sa nakalipas na mga buwan, you’ve been extra friendly with Alexa…”

“She’s married now, Jewel...”

“I know. But it didn’t stop you from seeing her twin sister.” n asa mukha niya ang matinding hinanakit sa binata. “Why can’t you even have the decency to tell me that it’s over between us...”

Napangiwi ang binata sa sinabi ni Jewel at umiwas ng tingin. “I... don’t want to hurt you, Jewel...”

“Pero sinasaktan mo ako sa ginagawa mo. Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa kong masama...” p inipigil niya ang pagbagsak ng mga luha. Kumikislap iyon sa mga mata niya.

“You’ve done nothing wrong. It is just that I realized na para lang kitang... kapatid. A younger sister...” t here, nasabi nito ang nararapat sabihin.

Nanlaki ang mga mata ng dalagita. “A younger sister!” hindi makapaniwalang bulalas niya. Naningkit ang mga matang tumalon siya mula sa koral at pagalit na nilapitan ang binata.

Pagkatapos ay walang sabi-sabing iniyakap ang mga kamay sa leeg nito at siniil ito ng halik.

She was kissing him passionately. Her body warm against his. Her breath like a morning mist. Kabisado na ni Bernard iyon at lahat ng tatag na maaaring maipon sa sandaling iyon ay ginawa nito.

Makalipas ang ilang sandali’y kumawala ang dalagita. “Ngayon mo sabihin sa akin na ganoon ang halik ng kapatid na babae sa kanyang kapatid na lalaki, Bernard!”

Mabilis na tumalikod ang binata upang itago ang epekto ng halik na iyon. Ano ba ang dapat sabihin? Sana ay wala na ang mga ganitong komprontasyon.

“Bigyan mo ako ng kapani-paniwalang dahilan kaysa sa sinabi mo!” Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. “What are we, a kissing relative? Had I kissed you a little longer, nakikita ko na kung ano ang kasunod na mangyayari sa atin.”

Nag-ipon ng hangin sa dibdib si Bernard. “I’m sorry, Jewel, I really am. Pagtinging-kapatid lamang ang damdamin ko sa iyo. I realized that now at ang nangyari sa atin ay isang malaking pagkakamali.”

Magkahalong galit at matinding sama ng loob ang naramdaman ni Jewel sa sinabing iyon ng binata.

“Damn you, Bernard! Mamatay man ako at mabuhay muli, I still would not want you for a brother!” Pagkasabi niyon ay patakbong tinungo niya ang jeep.

Nang sandali pa’y naiwan sa binata ang alikabok mula sa arangkada ng sasakyan ni Jewel.

Yes, Jewel, kung tumagal pa nang isang segundo ang halik mo, you would have melted my resolved. At hindi rin kita gustong kapatid, not in a million years.

 

“BAKIT nagmamadaling umalis si Jewel, Bernard?” tanong ni Julia nang pumasok sa bahay ang binata.

Nagkibit ng balikat si Bernard. Tinungo ang kusina.

Sumunod si Julia.

Nagbukas ng ref ang binata at kumuha ng canned beer. Binuksan at dere-deretsong ininom hanggang sa mapangalahati.

“Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo, Bernard? Bakit bigla ay ibinaling mo ang pansin mo sa mga babaeng Montejo? Hindi ako makapaniwalang ganoon kadaling magpalit ng damdamin ang isang tao.”

“Hindi kami bagay sa isa’t isa ni Jewel, Tiya Julia. She’s rich...” matabang niyang sinabi. Hinila ang upuan sa dining table at naupo. Itinaas ang mga paa sa isa pang silya.

“Isang malaking kalokohan iyang sinasabi mo, Bernard!” ani Julia na nanlaki ang mga mata. “Maaaring hindi tayo makapangalahati man lamang sa yaman ni Leon pero hindi ka rin naman mahirap. Bilang anak ni Alicia, kalahati ng de Silva farm ay pag-aari mo. And by anyone’s standard you’re a rich man. Not to mention very handsome, too.”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng binata. Itinaas sa bibig ang lata ng beer and downed in two swallows. “Not all people shared your sentiments, Tiya...”

“Pero, Bernard…”

Bagot na tumayo ang binata. “Susunduin ko pa si Sandra, Tiya Julia, nangako akong ipapasyal ko siya sa de Silva farm.”

“Hijo, you’re doing a very big mistake,” patuloy ni Julia na inikot ang wheelchair upang sundan ang binata. “Bakit hindi mo sabihin sa akin ang problema? O, kung ayaw mo sa akin ay kay Marco.”

Isang bagot na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata at nilingon ang matandang babae. “Gusto kong malaman ninyong walang problema. Kung sakali mang gusto kong makipagkita kay Sandra o kahit na sa kaninong babae sa bayan, iyon ay dahil gusto ko.”

“Hindi ka dating ganyan, Bernard,” giit pa rin ni Julia.

“People changed...”

“Oh... h indi ko maintindihan ang ginawa kong pagpapalaki sa inyo ni Marco. Pareho kayong tahimik at sinasarili ang mga suliranin. Only Emerald changed his attitude but it took thirty-two years for him to change into a happy man. And what about you, hijo?” nanlulumong wika nito.

Isang matabang na ngiti ang ibinigay ni Bernard dito. “Tiya, huwag n’yong sisihin ang sarili ninyo. No one can find fault sa pagpapalaki ninyo sa amin.” h inagkan nito sa noo ang matandang babae at lumabas na.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Julia at sinundan ng tanaw si Bernard.

Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

Jewel Black Diamond (Kristine Series 4)

12 Chapters

close

book

12

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101