
Description
Graciela Inamorada was jilted by her groom on her wedding day. She wasn't just humiliated in front of every one, it also brought shame to her family. She thought nothing worst would come after that, well, she thought wrong. One night, a stranger kidnapped her and raped her. Then she met Sean Machts. A man with a soulful, blue eyes. Eyes that seem to hide so many secrets. Graciela tried to pick up the broken pieces of her life. Little by little, she started to live again. And fall in love again. But just when she thought she finally found the one, she discovered the most painful secret that shattered her life into a million pieces. The man who became the source of her new found happiness was the same man who brought all the bitterness that happened in her life.
Chapter 1
May 11, 2023
Chapter One
DALAWANG butil ng luha ang sabay na pumatak sa magkabilang pisngi ni Graciela habang binabasa ang maikling sulat na ipinadala ng kanyang groom sa driver nito.
Dear Graciela,
By the time you're reading this, I'm probably miles away from you. Away from the manipulation of our grandparents. I'm sorry, but I can't force myself to marry you.
Goodbye.
Kenneth
Gustong pumutok ng dibdib ni Graciela sa sobrang sakit. Ang sabihing parang pinupunit ang puso niya ay kulang. Tila hinihiwa nang pino ang kanyang puso saka iyon ginutay-gutay. Kusang bumuhos ang kanyang mga luha, walang puknat ang masaganang pagdaloy. Sa tagal na rin yata niyang hindi umiyak ay parang dam na nabuksan ang kanyang tear ducts. Basang-basa na ang sulat na hawak niya at kumalat na rin ang ink niyon sa papel. Halos hindi siya makahinga sa labis na paninikip ng dibdib. Ano ang kasalanan niya para dumanas ng ganoong klase ng sakit mula sa taong inaasahan niyang makakatuwang sa hirap at ginhawa? She doesn't deserve that kind of pain and suffering. No one does.
Oo nga't isa lamang iyong arranged wedding sa kagustuhan na rin ng mga grandparents nila. Ngunit sa maikling panahon ay natutunan niyang mahalin si Kenneth. Ito na ang nailarawan niyang makakasama sa pagtanda, ang magiging ama ng mga anak na isisilang niya. They were so good together, or at least she thought they were. She can discuss anything with him. Her work as a pediatrician, her future plans, her aspirations and how she wants to start a family as soon as they moved into their love nest after their wedding. Wala man lang siyang kamalay-malay na magkaiba na pala ng direksyong tinatahak ng kanilang mga damdamin. Ni katiting na indikasyon na wala itong balak na ituloy ang kanilang kasal ay wala siyang nakita. At parang ang hirap tanggapin na ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na ipinakita nito sa kanya sa buong panahon ng pagiging magnobyo nila ay kunwa-kunwarian lamang, isang pagpapanggap.
May ilang sandaling nanatiling walang tinag si Graciela sa kinauupuan sa backseat ng bridal car habang wala pa ring puknat sa pagdaloy ang luha. Ah, sana ay puwede niyang patigilin ang sarili sa pag-iyak kasabay ng pagtigil ng pintig ng kanyang puso para mawala na rin ang sakit. Kung puwede lang turukan ng pampamanhid ang puso para hindi na niya maramdaman pa ang lahat ng iyon ay walang pagdadalawang-isip niya iyong gagawin.
Bumukas ang pinto sa kanyang tabi at pumasok ang kanyang inang si Consuelo.
"Graciela, mas mabuti siguro kung--" nahinto sa pagsasalita ang balo nang makita ang sulat na hawak ng anak. "What is that?"
"My groom is not coming, Mama," she answered in a calm voice. Strange because what she's feeling now was far from being calm. Gusto niyang lumabas ng bridal car at humiyaw. Ilabas ang lahat ng sakit na nagpapasikip sa kanyang dibdib. But she chose to remain calm and composed.
Gumuhit ang pagkabigla sa mukha ni Consuelo. "No, he can't do this to you!"
"He already did." She started removing her veil.
"Where is your driver? Kailangan na nating umalis dito," her mother sounds panicky.
"No, Mama. Haharapin ko ang mga bisita."
"What? Are you crazy?! Mapapahiya ka, pagtatawanan ka nila."
"Ganoon din naman ang mangyayari que harapin ko ang mga bisita o hindi."
"Mapapahiya ang Lola mo. Umalis na lang tayo. I'm sure she'll know what to do. Let her reps handle this matter."
"No, I'll handle it myself."
"Graciela."
Hindi siya nagpatinag sa babala sa tinig ng ina. Inilabas niya ang kanyang compact mirror at inayos ang nasirang make-up. Si Consuelo naman ay mabilis na lumabas ng sasakyan upang hanapin ang driver ng bridal car. Hindi ito makapapayag na lumabas ng sasakyan ang anak at lalo pang ibilad ang sarili sa kahihiyan.
Ngunit nang bumalik si Consuelo ay siya namang paglabas ni Graciela. Sumalubong sa dalaga ang mga kislap ng kamera. Bagaman may pagtataka sa isip ng mga naroroon kung bakit walang suot na belo ang bride at halos burado na ang make-up ay wala ni isa man ang nagtanong.
Sa unang hakbang ni Graciela ay kamuntik ng bumigay ang mga binti ng dalaga. Bahagya siyang pumihit sa likuran at inabot ang detachable train ng kanyang mermaid style wedding gown. Walang anuman niya iyong iniwan sa front steps ng cathedral saka taas-noong naglakad sa gitna ng aisle. Iba-iba ang ekspresyon ng mukha ng mga naroroong dumalo. Mayroong mga nagtataka kung bakit ganoon ang ayos niya. Some were throwing curious and malicious glances. At mayroon namang tila mga expectators na nag-aabang ng isang magandang palabas.
Dumiretso si Graciela sa altar. Doon na rin siya sinalubong ng mga punong-abala sa simbahan at ng wedding coordinator na siyang nag-aasikaso ng en grandeng kasalang iyon. Ang kasalang inaasahang ipi-feature sa mga lifestyle magazine bilang wedding of the year sa mga susunod na araw.
"Good morning, ladies and gentlemen," kalmadong simula ng dalaga. "I regret to inform you that the wedding is off."
Parang mga bubuyog na mabilis na umugong ang bulong-bulungan.
"On behalf of my family, I would like to extend my apology for the inconvenience it might have caused any of you. Your gifts will be sent back to those who already send their gifts in advance. That would be all and thank you for your time." Her voice didn't crack nor her demeanor faltered. Kung paano siyang pumasok ng simbahan ay ganoon din siyang naglakad palabas doon na para lamang siyang nag-anunsyo ng lagay ng panahon.
Kaagad na lumulan si Graciela sa naghihintay na sasakyan pagkalabas ng cathedral. Hindi na niya kinailangang magsalita. Pagkaupong-pagkaupo niya ay kaagad iyong tumakbo. Naroroon na rin ang kanyang ina na sadyang naghihintay na paglulan niya.
"Mas maganda siguro kung sa bahay-bakasyunan ka na muna sa Batangas tumuloy," suhestyon ng kanyang ina habang tumatakbo ang sasakyan.
"Wala akong ginawang kasalanan para kailanganin kong magtago sa mundo, Mama."
"Ikaw lang naman ang inaalala ko, ang kahihiyan mo."
"May dapat ba akong ikahiya, Mama? Ako ang inagrabyado, ako ang hindi sinipot ng groom."
Biglang naumid ang kanyang ina at hindi nakatugon.
Sa mansion ng mga Inamorada tumuloy ang bridal car. Mekanikal na kumilos si Graciela. She was just keeping it all together. Ganoon ang personalidad niya. Kung ang iba ay idinaraan sa pagwawala o pagsira ng mga kagamitan ang galit at sama ng loob, siya ay tahimik lamang. She'd take a bottle of whiskey or rum in the confines of her room and drink herself into oblivion until she becomes numb. At iyon sana ang balak niya nang marinig ang magkasunurang paghimpil ng dalawang sasakyan sa driveway ng mansion.
"Que barbaridad! What just happened, Graciela?!" nag-echo sa buong kabahayan ang ma-awtoridad na boses ni Doña Esperanza pagbungad na pagbungad nito sa grand living room ng mansion.
All her life, takot si Graciela kapag naririnig na ang boses ng abuela. Wala siyang natatandaan ni isa mang pagkakataon sa buhay niya na naging magiliw ito sa kanya. Palagi na ay nakatapak sa numero ang mga kilos niya kapag nasa paligid lamang ito. Kakatwang kung kelan balot siya ng labis na sakit at pamimighati ay saka pa siya nakatagpo ng sapat na lakas ng loob para maging matapang at kalmadong harapin ito.
"Just like you heard, Lola, the wedding is off. Because at the last minute, the groom realized he can't force himself to marry me so he chose the cowardly route."
"What nonsense are you talking about?!"
"It's not nonsense, Lola, iyon ang totoo. Kenneth realized he doesn't have the balls to go through with it, after all. So, he decided to run away. Away from the manipulation--his word, not mine."
"You insolent ingrate! Kenneth will never back out on his word, alam niyang nakataya rito ang pagkakaibigan namin ng kanyang Lola Herminia."
Nilingon ni Graciela ang ina. Inaasahan niyang susuportahan nito ang sinabi niya. Ngunit napangiti siya nang mapakla nang makitang nakayuko lamang ito sa isang tabi. Kunsabagay, ano ba ang bago roon? Noon at ngayon kapag dumagundong na ang boses ng kanyang abuela ang lahat ay tumitiklop.
Napatingin siya sa taong huling pumasok sa main door, si Don Enrico, ang kanyang abuelo. Tulad ng kanyang ina ay wala itong tinig sa tahanang iyon, sunud-sunuran lamang ito kay Doña Esperanza. Nakita niya ang isa pang tao na nakatayo malapit sa likuran ng kanyang abuela, ang kanyang Ate Yvonne. They were one year apart and she's her Lola Esperanza's favorite. Kung paanong lahat ng gawin niya ay mali sa paningin ng abuela, kabaliktaran iyon sa kanyang Ate Yvonne. Yvonne will always be perfect.
"That's enough, Esperanza. Hindi pa ba sapat na hindi sumipot ni anino ng kaibigan mo sa simbahan para pagtibayin ang sinabi ni Graciela?" Malumanay na wika ng don.
"I will get to the bottom of this, Enrico. At kapag nalaman kong may kinalaman si Graciela sa ginawang pag-urong ni Kenneth, lalayas siya sa pamamahay na ito ora mismo."
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga. The irony, siya na ang na-agrabyado, siya pa ang lumalabas na may sala. If it were up to her, matagal na siyang lumayas sa tahanang iyon. Dahil sa loob ng dalawampu't walong taong paninirahan niya sa bahay na iyon ay hindi iyon maituturing na isang tahanan para sa kanya.
"Go ahead, Graciela. Pumasok ka na sa silid mo at magpahinga," ani Don Enrico.
Pumanhik na si Graciela sa hagdanan. Mapaklang napangiti ang dalaga nang maisip na sa mga sandaling iyon dapat ay nagpapalitan na sila ng vow ni Kenneth. Isang walang tunog na halakhak ang pomorma sa kanyang mga labi kasabay ang pagtakas ng dalawang butil ng luha sa magkabilang sulok ng mga mata. Ang saklap ng buhay niya. Mukhang isinilang lang siya para maging buntunan ng galit ng iba. Sa pagdating ni Kenneth akala niya ay makakalaya na siya sa mapait na kapalaran. Dadagdag lamang pala ito sa pagdurusa niya.
Nang makapasok sa kanyang silid ay nanghihinang napasandal siya sa dahon ng pinto bago dahan-dahang napadausdos doon pasalampak sa sahig. Ang luhang kanina pa niya pinipigilang lumaya ay muling nanagana pagbalong sa magkabila niyang pisngi.
Alam niya kung saan nagmumula ang galit ng kanyang abuela. Anak siya sa labas ng kanyang inang si Consuelo. Nagkalabuan daw ito at ang asawang si Armando matapos isilang si Yvonne dahil na rin sa pambabae ng huli. Nang muling magkaayos ang mag-asawa at magsama, buntis na sa ibang lalaki ang kanyang ina. Hindi malinaw sa kanya kung sino ang lalaking nakabuntis sa kanyang ina. Basta't ang tanging alam niya, tinangka siyang ipatanggal noon ni Armando. Na mahigpit na tinutulan ng kanyang abuelo. Nagkaroon diumano ng mainit na pagtatalo ang mag-ama hanggang sa galit na galit na umalis si Armando at mabangga ang sinasakyan nito. Dead on the spot ang lalaki.
Labis na dinamdam ni Doña Esperanza ang sinapit na kamatayan ng unico hijo nito. Kaya naman magmula nang araw na isilang siya ay inani na niya ang poot ng matanda sa kasalanang wala naman siyang kamuwang-muwang. Sinubukan noon ng kanyang ina na itakas siya at ang kapatid niyang si Yvonne, ngunit masyadong malawak ang koneksyon ni Doña Esperanza. Hindi sila nakalayo. Pinagbantaan ng donya ang kanyang ina na kung muli nitong gagawin ang pagtakas ay mawawala silang parehong magkapatid sa buhay nito.
Lumaki siya at nagkaisip na tila lamang isang kasangkapan sa tahanang iyon ang kanyang ina. Kung saang parte ito ng bahay ilagay ay doon lamang ito. Minsan, naiisip niya na sana ay pinatay na lamang siya ng ina noong nasa sinapupunan pa lamang nito. Disin sana ay hindi niya nararanasan ang lahat ng iyon.
Mariing pinahiran ni Graciela ang luha sa magkabilang pisngi. Tumayo siya at mekanikal na kumilos. She took off her wedding dress and went inside the bathroom. Binuksan niya ang shower at todong pinadaloy ang tubig. Hinayaan niyang tangayin ng tubig ang mga luha niyang hindi maampat-ampat.
"I'll get through this, I must..."
Sa gitna ng malakas na buhos ng shower ay humagulhol siya. Pinawalan niya ang lahat ng sakit na halos dumurog sa buo niyang pagkatao. Sumigaw siya, nagmura. Isang bagay na hindi niya ginagawa because it's unlady-like, according to her grandmother. Ladies don't swear.
"Well, fuck you! Fuuuuucckkk youuuuu!" She screamed at the top of her lungs until her throat hurts.
Sa kagustuhan niyang mapaluguran ang abuela, pumayag siyang ipagkasundo nito kay Kenneth. She even programmed her heart to love him. In the end, she did love him. Not because she's desperate to get on her grandmother's good side but because she had too much love to give. And she so wanted to be loved in return. Napahikbi siya. Hanggang sa ang hikbi niya ay muli na namang nauwi sa hagulhol.
Umiyak siya nang umiyak. Hanggang sa humapdi na ang kanyang mga mata at wala na yatang luhang ibig pang pumatak.
Mugto na ang mga mata ni Graciela nang lumabas ng banyo. Para lamang salubungin ng nakangising kapatid na si Yvonne.
"That was quite a performance you did back there, Graciela," pumalakpak pa ito habang mistulang beauty queen na naka-cross legs sa pagkakaupo sa gilid ng kanyang kama. "I must say, I'm impressed. You handled yourself well."
"Is that what you came here for, to mock me? Then, I hope you're having a blast, Ate."
"Oh, absolutely," tumayo na ito habang may matamis na ngiti sa mga labi. "By the way, grandpa wants to sue the Velardes."
Ang tinukoy nito ay ang pamilya nina Kenneth.
"Breach of contract. Gusto ni Lolo na pagbayarin ang mga Velarde sa lahat ng danyos na ginawa nila. Including emotional distress."
Hindi siya kaagad nakasagot sa narinig mula sa kapatid. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng Lolo nila. Sa buong buhay niya kasi ay hindi pa ito gumawa ng anumang bagay bilang depensa sa kanya. Lalo pa kung masasagasaan ang kanyang Lola.
"Pigilan mo si Lolo bago pa niya ilagay sa higit na kahihiyan ang ating pamilya."
Aabutin na sana ni Yvonne ang handle ng pinto nang maudlot ito sa pagsasalita ni Graciela.
"Pamilya? As far as I could remember I was never part of this family, Ate. Why should I care what will happen to it?"
"It's the least you can do after tearing this family apart when you were brought out into this world."
Wala siyang naitugon sa kapatid hanggang sa makalabas ito ng silid.

Lust in Love (Lust Trilogy Book 3)
45 Chapters
45
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101