
Description
Miles fell in love with Rex Lagdameo because of his kindness. So she decided she would be the only woman in his life. Enter his ultra-serious, no-nonsense, I’m-so-deep-you-can’t-figure-me-out twin brother Rath. He forced her to confess because he was involved in the loss of his brother. As they set out to find out what happened to his brother, she also gradually discovers his true identity...
Chapter 1
Nov 28, 2025
“B USINESS is doing good, Dad. I told you, kaya ko ring maging isang magaling na negosyante.” Inilipat ni Miles ang cell phone sa kabilang tainga habang tinatanaw ang malinis at very organized na lansangan ng business district ng Makati.
Hindi gaanong dinaraanan ng mga sasakyan ang lugar na iyon dahil hindi naman main road. Kaya naisipan niyang mag-set up ng mga table sa labas ng kanyang coffee shop, ang Dome Café, kung saan siya ngayon nakapuwesto. The tall buildings surrounding the place were in full contrast to her coffee shop that was decorated with different ornamental plants and a little fountain on the side. Making it the most favorite hangout of young professionals and powerful executives. Kaya siguro sa halos dalawang taon pa lang niya sa ganoong negosyo ay tatlo na ang branch niya. Nagbabalak na rin siyang mag-branch out sa labas ng Metro Manila. Pati ang pagpapa-franchise sa Dome Café ay iniisip na rin niyang i-pursue sa mga darating na araw.
“Wala naman akong sinabing hindi mo kaya, ah,” sabi ng kanyang ama na nang mga sandaling iyon ay nasa opisina nito sa isa sa matataas na building na nakapaligid sa kanyang shop. “Since the day you told me you want to become the president of this country, I knew you had the guts to make it through the cutthroat world of business.”
“Dad, three years old pa lang ako n’on, ah.”
“Exactly. Bata ka pa lang, nagpapakita ka na ng manifestations ng katapangan at pagiging independent.”
“Masyado n’yo naman akong pinupuri, Daddy. Ano na naman ang agenda n’yo ngayon, ha?”
“My darling little girl, what makes you say that? Masama bang purihin ang kagalingan ng unica hija ko?”
“Hindi mo ako tatawagan nang ganitong oras kung hindi importante ang sasabihin mo. Come on, Dad.”
“Nothing, really.”
“Swear?”
“Yes, swear. Gusto ko lang talagang alamin ang kalagayan mo. I know I’ve been a little tough on your ability to run your own business. And now, you’ve proven me wrong and I’m really, really proud of you.”
“Dad.”
“Okay, catch you later. Sa bahay ka ba magdi-dinner mamaya?”
“Anong ulam ang iluluto ni Mommy?”
“Sinigang.”
“Okay, I’ll be there. Bye, Dad.”
“Bye, darling. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahihiyang tawagan ako, ha?”
“Yes, Daddy.”
Nakangiting pinatay ni Miles ang cell phone, saka pinagmasdan ang mangilan-ngilang taong dumaraan sa harap ng Dome Café. May mga nakikita rin siyang sasakyan na dumadaan doon palabas ng main road ng Ayala. Napaka-cozy at tahimik ng atmosphere. Pakiramdam niya ay wala siya sa Pilipinas kundi nasa isa sa pinakamaganda at pinakamayamang lugar sa ibang bansa.
Muli siyang napangiti nang maalala ang huling pag-uusap nila ng kanyang ama. He was right. Nang mag-usap kasi sila noon tungkol sa pagpu-put up niya ng sariling negosyo sa labas ng kanilang family business ay alam niyang wala itong tiwala sa kanyang kakayahan. Although hindi naman talaga nito lantarang sinabi iyon. In fact, concerned pa nga ang ama. Too concerned, kaya naramdaman niyang nag-aalala ito sa kalalabasan ng pagbe-venture niya sa food business.
Miles was a daddy’s girl, idagdag pa na siya ang bunso at nag-iisang babae sa kanilang apat na magkakapatid. k aya siguro ganoon na lang ang pag-aalala ng kanyang ama na mabigo siya sa tinahak na negosyo. But as he said, she had proven him wrong. Kaya ngayon, maituturing na rin siyang isang successful businesswoman. Pero mas proud siya sa sarili dahil ang lahat ng tagumpay ngayon ay sariling sikap niya. Hindi tulad ng mga kuya niyang nag-take over lang ng negosyo ng kanilang mga magulang.
Nawala lang si Miles sa pagmumuni-muni nang may dumaang pulang sasakyan sa harap ng café. Sa unang tingin, mapapansin agad na hindi iyon basta-bastang kotse. It was a red Dodge Viper, na kung hindi siya nagkakamali ay iilan lang ang nagmamay-ari ng ganoong kamahal na sasakyan sa bansa.
Pero ang mas nakapukaw ng atensiyon ni Miles ay ang nasa driver’s seat. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki pero nakita niya kung gaano kaputi ang batok nito, because the guy had a clean-cut hair. Laking tuwa niya nang huminto iyon sa tapat ng Dome Café at nang lumabas ang nakasakay ay napatunganga na lang siya rito. Kahit naka-sunglasses pa ang lalaki, walang dudang napakaguwapo nito. Lalo na nang hinubad nito ang suot na salamin pagpasok sa vicinity ng Dome Café at ngumiti sa kanya bago tumuloy sa loob.
Nakarinig siya ng maliit na ingay pero hindi niya iyon pinasin. The handsome guy glanced back, though. Walked back to her and picked up something from the floor.
“Nahulog ang cell phone mo, Miss,” sabi nito. “And, uh, I think it’s broken now.”
“Ha?” Napangiwi na lang si Miles nang makita ang kalas-kalas niyang cell phone. “Oh no. Not again.”
“Not again?” Bahagya pang natawa ang lalaki. She almost sighed. “Akala ko pa naman ako ang dahilan ng pagkakahulog mo sa cell phone mo.”
“Eh…” Shit! Ang bango! Kung kaya nga lang niyang i-describe ang amoy ng lalaki, sasabihin niyang guwapo rin ang pabangong iyon!
“My brother knows a lot about cell phone. Iyon kasi ang negosyo niya. And he can fix this kaya lang, wala siya sa bansa ngayon.”
Aahhh… isn’t that the sweetest thing? May dinukot ang lalaki sa bulsa ng pantalon nito. A silver flip phone. His phone. Pagkatapos ay tinanggal nito ang SIM card doon at ipinalit ang SIM card sa nasira niyang cell phone. Then he handed it to her.
“Sa `yo na lang ito.”
“What? I… I can’t—”
“Didn’t I tell you my brother has a cell phone company? I could always replace one whenever I want. Sira na ang cell phone mo kaya itapon mo na `yan. Okay?”
Sinundan na lang ni Miles ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan itong makapasok sa loob ng Dome Café. Did he just give her his phone? Tiningnan niya ang cell phone na nasa ibabaw ng table. Yes, he did give her his phone. Dinampot niya iyon at pasimpleng inamoy. And it still has his handsome scent! Mabilis lang uli niya iyong ibinaba nang makitang lumabas na ng café ang lalaki. May hawak na ito na isa sa special blended coffee ng kanyang shop.
“Okay ka na?” tanong nito. He looked even way cuter holding a plastic cup and a big straw between his lips.
“O-oo. Pero… hindi ko matatanggap ito.”
“I can’t take back the things I already gave.” He then gave her a cheeky grin. “See ya !”
“Wait!” Napatayo si Miles nang wala sa oras para lapitan ang lalaki. Napakatangkad pala nito. “Ahm… puwede ko bang malaman ang pangalan mo?”
“Rex Lagdameo.”
Inilahad niya ang kamay na tinanggap naman agad nito. “I’m Miles Ocampo.”
“Nice meeting you, Miles.”
“Same here.”
“You have a great smile.”
Her heart just melted. “Thank you.”
“I have to go. Tumakas lang kasi ako sandali sa meeting ko.”
“Okay.”
“You should smile more.” He put on his sunglasses and waved good-bye as he got into his car and drove away.
Binuksan ni Miles ang cell phone na ibinigay nito at tinawagan ang kanyang ama. “Dad, I just fell in love.”
“That’s great, baby. Who is he?”
“Rex Lagdameo.”
“The billionaire boy?”
Nagulat siya. “What? Kilala n’yo siya?”
“Of course. He’s been in the papers lately. Or rather, the magazine.”
“What magazine?”
“ Philippine Stats . Isa siya sa mga bagong pinangalanang pinakamayayamang tao sa bansa. The Billionaire Boys Club.”
“BAKIT hindi kayo nagsabi sa akin na may mga bago na palang miyembro ang Billionaire Boys Club?” Isa-isang dinaanan ni Miles ang mga empleyado na pinapila niya kanina pagkatapos makausap ang ama. “Bakit hindi ninyo sinabi na naka-out na pala ang issue ng Philippine Stats for this month?”
“Eh, Ma’am, kasi—”
“Kung nagkataong naging masama akong tao, sinesante ko na kayong lahat.”
“Ma’am, wala kaming kasalanan diyan.”
Nilingon ni Miles ang mga lalaking empleyado na nanonood lang sa pagdurusa ng mga kasamahan ng mga ito. “Oo,” wika niya. “Pero kung tatayo lang kayo diyan at ngingisi-ngisi sa mga co-employees ninyo, mauuna kayong masesesante.”
Agad nagpulasan ang mga ito para bumalik sa kani-kanilang trabaho. Muli niyang binalingan ang mga babaeng empleyado.
“Now, sino ang pinakaguwapo sa mga bagong billionaire boys?”
Excited na nagkanya-kanyang bidahan ang mga ito ng kanilang mga bet. If there was one thing na pinagkasunduan nila ng mga babaeng empleyado, iyon ay ang pag-i-score sa mga guwapong lalaking naliligaw sa kanilang sa branch ng Dome Café sa Shangri-La Mall sa Ortigas. Iyon ang kauna-unahang branch na itinayo niya kaya halos ka-vibes na rin niya ang lahat ng empleyado roon.
“Sino ang may mga crush kay Rex? Taas ang kamay.” Tatlo ang sumagot. “Maghanap na lang kayo ng ibang magugustuhan. Ako na kay Rex.”
“Yes, Ma’am!”
Tumango lang si Miles at hinayaan na ang mga ito na makabalik sa kani-kanilang trabaho. Siya naman ay nanatili sa counter kung saan madalas siyang pumuwesto dahil gusto pa rin niyang mag-serve, hands-on, sa mga customers nila.
Tinitigan niya ang napakaguwapong picture ni Rex sa magazine. Ilang araw din siyang naghintay na makakuha ng issue ng Philippine Stats kung saan ito naka-feature. Nagkakaubusan na kasi sa mga newsstand at kinailangan pa niyang gapangin ang mga koneksiyon ng kanyang ama at mga kapatid para makakuha agad ng sariling kopya.
And when Miles finally got a hold of the magazine, agad niyang pinagsawa ang mga mata sa nakangiting mukha ni Rex. Ni hindi na nga niya pinag-aksayahan pa ng panahong tingnan ang ibang pictures maliban sa isa na kamukhang-kamukha nito. It said there na iyon ang identical twin brother ni Rex na si Rath. Guwapo rin naman ito in a serious kind of way. Pero mahalaga sa kanya ang ngiti ng isang tao dahil sa tingin niya ay mas magaang makasama ang mga taong nakangiti kaysa sa mga hindi. So she turned her attention back to Rex and never peeled her eyes off him again.
Ilang araw ding tumambay si Miles sa Makati branch sa pag-asang babalik doon si Rex. Pero bigo siya.
“Ma’am, baka naman matunaw na `yan sa kakatitig ninyo,” pabirong komento ng cashier.
Hindi niya ito pinansin. “Ang guwapo niya, ano, Rina? At ang bango-bango pa.”
“Nakita mo na siya sa personal, Ma’am?”
“Oo naman. Doon sa branch ng Dome sa Makati. Bumili siya minsan at nginitian niya ako.”
Napunta na naman sa kanya ang atensiyon ng mga empleyado. Since maaga pa naman, wala pang gaanong customer na dumarating kaya hinahayaan lang niya ang mga itong magpabandying-bandying muna sa trabaho.
“Ano’ng hitsura niya, Ma’am?”
“Guwapo ba talaga? As in?”
“Ano’ng pakiramdam na makita siya sa personal, Ma’am?”
Inilabas ni Miles ang cell phone at inamoy-amoy iyon. “Wonderful.” Tumunog ang telepono at siya na ang sumagot. “Dome Café.”
“This is Monette and I’m calling for Sephiro Corporation. Nakita ko ang ad ninyo sa Internet and I saw that you’re also catering for business meetings and conferences.”
“Yes, Ma’am. Malaki ho ang venue namin dito and we could cater for up to twenty people.”
“Oh, good. May outside meeting kasi ang boss ko with his five clients at gusto niyang sa pinakamalapit na café bar iyon gawin. Do you have a slot for a two o’clock lunch meeting?”
“Yes, Ma’am. At open time pa iyon.”
“Okay, then. Thanks.”
Saglit niyang binigyan ng briefing ang mga empleyadong mag-aasikaso sa conference room. Karamihan sa mga ito ay nagmakaawang huwag na sila ang ilagay sa conference hall dahil masyado raw matrabaho roon. Kaya apat na lalaki na lang ang inilagay niya.
Nang itayo ni Miles ang Dome Café, siniguro niyang hindi lang mga blended coffee ang ise-serve nila. Kaya naglaan siya ng isang lugar kung saan puwedeng magdaos ng mga special occasions ang kanilang mga customers gaya ng business meetings and conferences. So far, it had been great since nasa business district sila ng Ortigas.
“Okay, people. Let’s work our ass off!”
At two in the afternoon, handang-handa na ang lahat. Naunang dumating si Monette na siyang nakausap niya kanina sa telepono. Na may dalang masamang balita.
“I’m really sorry about this. Akala ko kasi lima lang ang kausap ng boss ko ngayon. It turns out na eleven pala ang mga iyon. Can you make a little adjustment with the food and everything?”
“Ah…” Miles looked at the woman. Mukhang harassed na rin ito kaya kahit medyo asar siya sa mga last-minute change of plans, pinagbigyan na lang niya. “Yes. We can do that. Nakahanda naman na ang venue at dadagdagan ko na lang siguro ang mga crew ko na mag-aasikaso sa boss mo at sa mga kliyente niya.”
“Thank you so much!” Napalingon ito sa entrance ng Dome. “Nandito na sila. Pakihanda na ang pagkain, ha? Salamat uli.”
Tumango lang si Miles. Muntik na siyang mapakunot-noo nang makita ang mga bagong dating. Mga singkit. They were either Chinese or Koreans. Kahit ano pa, sa mga naging karanasan niya sa mga singkit na customers, laging pinasasakit ng mga ito ang ulo niya. Bukod kasi sa hindi na sila magkaintindihan dahil sa language barrier, masyado pang demanding ang mga nauna na niyang nakasalamuha noon. Kaya as much as possible, hinahayaan niya ang mga empleyadong makipag-deal sa mga ito.
Pero nagbago ang isip ni Miles nang makita ang kahuli-hulihang taong pumasok. The guy was particularly taller than the rest of his mates and was wonderfully familiar. He was talking on his phone as he followed the rest to the conference hall. Hindi siya nito napansin pero siya, pansin na pansin ito.
“Rex!” impit na tili ng mga empleyado niyang nakakita rin sa lalaki.
Narinig siguro iyon ni Rex dahil nilingon nito ang mga empleyado. Nginitian nito ang mga iyon at bahagya pang itinaas ang kamay bilang pagbati bago tuluyang pumasok sa conference hall. Kaya hindi na kataka-takang pati ang mga babaeng customers nila ay kinilig nang husto.
“Ma’am Miles, ako na lang sa conference hall!”
“Hindi, Ma’am. Ako na lang!”
She didn’t listen. Lumabas siya ng counter at isinuot ang uniform na apron. “Dito kayo sa labas. Ako doon.”
Magrereklamo pa sana ang mga ito pero sinenyasan na niya ang mga empleyadong lalaki na isunod na ang mga pagkain sa loob ng conference hall. And she had one of the best days of her life when she served food to Rex. Kahit halos hindi siya nito nililingon. O kahit naiirita na siya sa napakatitinis na boses ng mga kausap nito. O kahit nabuburyong na ang mga empleyado niya sa walang humpay na utos ng mga ito. Basta maamoy lang niya ang pamilyar na machong bango ni Rex, at paminsan-minsang pagdikit niya sa balikat at braso nito, kontento na siya.
Lalo pang humanga si Miles kay Rex dahil sa nakikita niyang tiyaga nitong intindihin ang sala-salabit na English ng mga kausap. At mukhang nagkaintindihan naman ang mga ito dahil sa wakas ay nakita niyang nagtatanguan na ang mga kliyente. It seemed like he got the deal because he looked satisfied as he leaned back against his seat. She wanted to hug him for doing a great job. Or maybe even kiss him.
“Pagod ka na yata,” narinig niyang sabi ni Rex.
Nang lingunin ang lalaki ay nakita ni Miles na nakatingin din ito sa kanya. Agad naglaho ang lahat ng reklamo niya sa mundo nang masilayan ang ngiting iyon.
Oooh, heaven!
“Okay pa naman ako.” Sinalinan niya ng tubig ang baso nito.
“Thank you.” May sinilip ito sa kanyang dibdib. “Miles.”
Ang nameplate niya ang tiningnan ni Rex. At parang gusto nang gumuho ng kanyang mundo nang ma-realize na hindi na siya nito naaalala.
“Sa nakita kong magandang service dito, siguradong babalik pa ako dito. Ire-recommend ko rin ang lugar na ito sa iba kong kaibigan.”
“Well…”
“It’s my way of saying thank you very much.”
Muling kinuha ng mga kausap ni Rex ang atensiyon nito. Nanghihinayang man na hindi na siya nito naaalala, may maganda pa rin namang nangyari kahit paano. Makikita niyang muli ang lalaki at sa susunod, sisiguruhin niyang hindi na siya nito makakalimutan pa.

Rath Lagdameo (The Billionaire Boys Club 12)
10 Chapters
10
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101