
Description
Nykyrel Guzmano was like a phantom. He hides away from the shadows and control people from the dark corner of his huge mansion. He's the owner of Guzmano Corporation yet nobody had seen him, not even his shadow. Some believed that he was a man near to the grave, a man who's ugly and scared to be mocked. He was a mystery that needed to be solve and will move heaven and earth to unravel Nykyrel's mysterious personality.
Chapter 1
Feb 4, 2022
Prologue
“M R. GUZMANO, kailan po kayo lalabas diyan sa bahay n’yo? The board of directors wants to see you in person. We all need to see you,” sabi ng executive assistant ni Nykyrel na si Daniel Mendoza sa kabilang linya ng telepono.
Pinaikot ni Nykyrel ang mga mata sa inis. People and their fucking, annoying curiosity. Sa halip na sagutin, pinatay niya ang tawag at itinext na lang niya ang sasabihin kay Daniel. Masipag itong magtrabaho kaya naman deserving si Daniel kung nasaan man ito ngayon. Isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya para magpatakbo sa kanyang kompanya.
Alam ni Nykyrel na hindi siya tatraidorin ni Daniel. Alam niya iyon mula nang makita niya ito na tinulungan ang isang matandang lalaking tumawid sa daan na walang hinihinging kapalit. Matagal na iyon, pero naaalala pa ni Nykyrel. Iyon iyong mga panahon na lumalabas pa siya, pero nang mawala ang kanyang ama, minabuti niyang manatili sa kanyang mansiyon. At least there, no one could harm him. No one.
Tell them what I said the last time you called. N-O-P-E. Nope. Then Nykyrel hit the send button.
Itinapon niya ang cell phone sa ibabaw ng kama saka hinubad ang lahat ng suot saka pumasok sa nakakonektang banyo sa kanyang kuwarto. Nykyrel stared at himself in the mirror as he shaved his whiskers. Mapait siyang ngumiti.
He was a very handsome man. Thanks to his parents’ good genes. But Nykyrel had been scarred beyond belief. It may not be physically, but his scars ran too deep in his very soul. Some of it were carved in his soul and heart, and it would never heal. Never.
There was never a day in his life that he was not humiliated. Ayaw niyang maging parte ng lipunan na tanging ang inaabangan lang ay ang pagbagsak ng isa’t isa.
I’m done. Ayokong makisalamuha sa mga taong makikitid ang utak at mapanghusga.
Tinapos ni Nykyrel ang pagsi-shave saka naligo. Kailangan niyang magmadali, may tatapusin pa siyang report para sa susunod na board meeting. Not that he was going to attend. As usual, si Daniel na naman ang gagawin niyang tagapagsalita.
He could not speak for himself.

Wicked Encounter (Dark Boss Series 2)
23 Chapters
23
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101