passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Steamy
/
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)
Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Steamy

dot
eye

321

Description

"I won't force you to believe me. But I love you. And if I walk away right now, it doesn't mean I don't love you anymore." Ballet was Rayanne Nolliedo's life. She dreams of being a great ballerina. But she had another dream - Yzaak Argoncillo. He was the only man who could make her knees tremble in awe. And it was only his kiss that made her heart beat again. Just when she gave him her heart, he crushed it mercilessly...

Passionate
Sexy
Hot
Playboy
Wild
Adventure

Chapter 1

Nov 28, 2025

HINGAL na hingal si Rayanne. Katatapos lang ng practice niya. Nasa gitna siya ng sala ng maliit na apartment niya. Napagod na siya sa kapa-practice pero hindi pa rin lumilinaw ang kanyang isip. She would dance the role of Princess Aurora in Sleeping Beauty at the Mariinsky Theater in St. Petersburg, Russia. It was the role she had been dying for and it was the kind of play that would mark her as a real ballerina. Miyembro siya ng Mariinsky Ballet Company o mas kilala sa dating pangalan niyong “Kirov Ballet.” She was so lucky that she got into the prestigious ballet company. Sinundan niya ang yapak ng kanyang inang Russian ballerina na pumanaw nang ipanganak siya.

Her dance was perfect. Hangang-hanga nga sa kanya ang choreographer niya na dating kasamahan ng mama niya sa naturang ballet company. Isa lang ang problema niya. She didn’t know what she would do with the kiss.

Parang sasabog na ang utak ni Rayanne kung paano sosolusyunan ang problemang iyon. Hindi naman kasi siya ang babaeng basta-basta na lang nagpapahalik kahit pa sabihing trabaho lang iyon. She was twenty and she was working her way up to be a principal dancer.

“Ano’ng gagawin ko?” tanong niya sa sarili. Tinanaw niya ang pag-ulan ng snow sa labas ng apartment na tinutuluyan niya. Malamig ang gabing iyon katulad ng love life niya. Wala siyang boyfriend. Sa pagsasayaw lang siya naka-focus. She didn’t have time for romance except with her art.

Classical ballet was about romance, a fairy tale. Hindi siya makakaisip ng fairy tale kung wala siyang inspirasyon bilang Prince Charming. Hindi niya makita iyon sa ka-partner na parang kuya niya. She needed that inspiration soon or she couldn’t get through that stage kiss. There was one particular guy that she liked. Pero hanggang sa malayo lang niya ito puwedeng magustuhan. Hindi mag-e-extend ang imahinasyon niya sa isang lalaking malayo sa kanya.

Kakaibang tuwa ang naramdaman niya nang ipatawag siya para gumanap bilang Princess Aurora. First soloist siya at inoobserbahan para maging principal dancer. Nagkataon na nasa isang international tour ang principal dancer na pinalitan niya. Ilang beses na siyang nagsayaw para sa lead role. Pero iba ang role ni Princess Aurora. She needed all the grace and ballet skills especially the air of romance.

She really shouldn’t mess up. Ayaw niyang mapahiya. Baka biglang bumangon sa libingan ang mga magulang niya. Nangako siya sa mga ito nang maka-graduate siya sa Vaganova Ballet Academy, ang prestigious na ballet school sa Russia, na gagawin niya ang lahat para maging prima ballerina. She was almost there.

So where would she get an inspiration for that impersonal stage kiss? She didn’t have much time. If she couldn’t get that right, masisira pati ang fairy tale.

Naputol ang pag-iisip ni Rayanne nang bulabugin siya ng malakas na katok sa pinto. “`Must be Sylvette. Ano na naman ang problema ng batang iyon?”

Si Sylvette ay member ng corps de ballet at kasamahan niya. Bago siya pumasok sa ballet school ay naging kapitbahay nila ito sa Pilipinas. She was almost like a sister to her and Sylvette idolized her. She pursued ballet as well.

Nakakuha ito ng scholarship sa Royal Academy of Ballet sa London pagkatapos manalo sa prestigious na ballet competition na Prix de Laussuane. Pagkatapos mag-aral ay sumunod ito sa kanya sa St. Petersburg at masuwerteng nakapasok sa Mariinsky Ballet Company kahit pa nga mababa lang ang ranggo. Pero dahil seventeen pa lang at naninibago sa bansa, kadalasan ay pinapasakit nito ang ulo ng choreographer at mga kasama. Sa kanya ito laging tumatakbo.

Binuksan niya ang pinto. “So what trouble are you in this time, Sylvette…” Nabitin ang question mark sa kanyang dila nang makitang hindi si Sylvette ang nasa harap niya. He was a scowling handsome young man in his mid-twenties. He was tall. Kahit five feet-eight inches na ang height niya, kailangan pa rin niyang iangat ang ulo para masalubong ang itim at aristokratong mga mata nito. Matangos din ang ilong ng lalaki. It was Yzaak Argoncillo, Sylvette’s older brother. Ang lalaking dati ay tinatanaw lang niya sa malayo pero ngayon ay kaharap na niya.

“Is Sylvette here?” tanong nito.

Wala man lang ‘‘hello’’ o ‘‘hi.’’ Ni hindi man lang siya kinumusta. He was very intimidating. Samantalang wala naman ito kahit gapatak na dugong bughaw. Hindi katulad niya na ang mga ninuno ay mga boyar, mga aristokrato ng Russia .

“Yzaak! I-I didn’t know you’re coming.”

“Dapat, nasa Moscow ako ngayon. Gusto ko lang bisitahin si Sylvette but she’s in her apartment. May I come in?”

“Sure,” sabi niya, saka gumilid sa pinto. Pumasok ang lalaki, hila-hila ang luggage bag.

Her knees became weak when he brushed past her. Sobrang lapit na nito sa kanya ngayon. She could smell his manly perfume. Basa rin ang buhok nito dahil sa natunaw na snow sa labas. Pero iba yata ang nangyayari sa sistema niya.

Mag-freeze man ang buong St. Petersburg o kahit pa ang buong mundo, parang natutunaw naman siya kapag kadikit si Yzaak. Habol niya ang hininga at malakas ang pintig ng puso niya. And she knew that she didn’t get it from her thorough dancing.

Pasimpleng hinaplos ni Rayanne ang buhok na basa ng pawis. Nakakahiya tuloy dumikit dito. Mukha kasi itong mabango samantalang siya ay nanlilimahid sa dumi. Wala namang ganoong epekto sa kanya ang ballet partner niya kapag nagsasayaw sila.

Ibinagsak nito ang sarili sa sofa at saka humalukipkip. “It is freezing outside.”

“Hindi pa nga malakas ang snow sa labas. Normal lang iyan. How about tea?”

“Coffee?” he said with tea-are-for-sissies expression written all over his face.

“Coffee then.” She loved the mild scent of tea. Iyon ang nagpapa-relax sa kanya. Masyadong matapang ang amoy ng kape para sa kanya. Pero sadyang nagtitira siya ng kape para kay Yzaak.

“May conference ako sa Moscow bukas. Inagahan ko na lang ng dating para madalaw ko si Sylvette. Nang dumating ako sa apartment niya, wala siya roon,” nakapikit na sabi nito nang i-serve niya ang kape. Instant coffee lang ang kape niya dahil mahal ang brewed coffee. Kahit anong klaseng kape naman ay okay na rito. “Nag-e-mail siya sa akin ng schedule niya. Dapat, dalawang oras na siyang nakauwi galing ng rehearsal niya.”

“Baka na-extend ang rehearsal niya. Hindi lang naman sa iisang show siya kasama. Tatlong play ang sasayawan niya.” Kahit pa nga minimal lang ang roles ni Sylvette, istrikto pa rin ang mga choreographer at artistic director nila. Everything must be perfect. Ipinaiintindi ng mga ito na ang lahat ng cast ay mahalaga at hindi lang ang may mga lead role. Kahit ang simpleng pagkakamali ay makakasira sa show. “Uuwi rin iyon. Tatawag naman siya sa akin kapag nakauwi na siya.”

Overprotective si Yzaak kay Sylvette dahil dalawa lang na magkapatid ang mga ito. Ang lalaki na rin ang tumayong padre de pamilya nang mamatay ang mga ama nila sa pagguho ng isang uranium mining site sa Russia na para sana sa demand ng iba’t ibang bansa para sa nuclear energy.

Rayanne was already independent at the age of thirteen. Bata pa lang kasi ay namuhay na siya nang hiwalay sa papa niya mula nang sa dormitory na siya ng Vaganova Academy tumira. Pero ang mama ni Yzaak na si Sylvia ang nagsilbing kanyang ina. Sineryoso naman ni Yzaak ang pagtataguyod ng paggamit ng renewable energy source. Tungkol din doon ang conference na dadaluhan nito. At kung may pagkakataon, palagi nitong binibisita si Sylvette at pati na rin siya.

“Naabala yata kita sa practice mo,” sabi nitong pinagmasdan siya sa suot niyang loose blouse at leotards.

“No. Nagpapahinga lang naman ako kanina nang dumating ka.” At nag-iisip kung saan siya kukuha ng prinsipe bilang inspirasyon.

He suddenly encircled his hand around her wrist. “Lalo ka yatang pumapayat.”

Dali-daling binawi niya iyon dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Palagi siyang nahahawakan ng partner niya pero kay Yzaak lang niya naramdaman iyon. “P-payat naman talaga ako.”

“Dapat, hindi buto’t balat ang mga babae. Inaalagaan mo ba ang sarili mo?”

“Oo naman. Wala akong magagawa kung hindi ako tabain.”

Pumalatak si Yzaak at hinalungkat ang luggage nito. “Ayoko talaga sa mga babaeng ginugutom ang sarili nila.” Isang pakete ang inihagis nito sa kanya.

Awtomatikong sinalo niya iyon. Bigla siyang naglaway nang makita ang pasalubong nito. “Wow! Chicharon!” Niyakap niya ang pakete ng chicharon. “Favorite ko ito. Miss na miss ko na `to. Thank you.”

It was a forbidden food. Pero wala siyang pakialam. Bata pa lang siya ay iyon na ang patago niyang kinakain. Dahil istrikto si Sylvia pagdating sa diet niya, naka-ban ang chicharon kapag nagbabakasyon siya sa bahay ng mga ito. Kasabwat naman niya si Yzaak kapag gusto niyang kumain ng chicharon na paborito nito.

“Sige. Magpakasaya ka dahil wala niyan dito.”

May mabuting puso naman ito kahit madalas ay sinusungitan siya. Minsan lang naman siya kakain ng chicharon kaya hindi naman siguro siya tataba. “Wait. Iiinit ko lang sa microwave oven dahil nagsesebo na.”

Excited na isinalin ni Rayanne sa microwave dish ang chicharon saka ipinasok sa oven. Hinarap naman niya ang paggawa ng sawsawang suka na may bawang. Kahit na sa Russia na nakatira, mas Pinoy pa rin siya. Iyon kasi ang gusto ng papa niya. Kaya kahit nakuha niya ang features ng kanyang mama na brown ang buhok at berde ang mga mata, mas gusto pa rin niyang mamuhay bilang Pilipino at mag-retire sa Pilipinas. Magagawa niya iyon kapag sikat na siyang ballerina at marami na ring pera.

Bitbit ang bowl na pinagsalinan niya ng chicharon at sukang sawsawan ay bumalik siya sa sala. “Yzaak, kain tayo,” yaya niya. Pero isang tulog na tulog na Yzaak ang naabutan niya pagbalik. Mababakas ang pagod sa mukha nito. Hinayaan niya itong matulog. “`Must be jet lag.”

Kumuha siya ng thermal blanket sa cabinet dahil mukhang nag-a-adjust pa ito sa lamig ng panahon sa Russia. Nang makumutan niya si Yzaak ay umungol ang lalaki at kusang iniayos ang kumot kung saan ito mas komportable kahit tulog.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Mas guwapo ito at maamo kapag tulog. Hindi ito mukhang dragon. He was almost like a prince. A sleeping dragon prince.

He looked so damn kissable.

NABURA ang ngiti sa mga labi ni Rayanne nang may marinig siyang boses na bumulong na halikan niya si Yzaak. As if they switched places. Ito si Sleeping Beauty at siya ang prince. Well, make that a Sleeping Gorgeous Dragon Prince.

Naramdaman niya ang malakas na pintig ng pulso niya sa leeg habang nakatitig sa nakatikom na mga labi ng lalaki. Why not? Kanina ay nagrereklamo siya dahil nasa malayo si Yzaak pero ngayon ay abot-kamay na niya ito. He was the inspiration that she needed. At nadodoble ang pagkagusto niya rito kapag hindi ito masungit at hindi matalim kung tumingin. Nangyayari lang iyon kapag tulog ang lalaki.

Yzaak was the most gorgeous man on the planet once he was asleep. At wala siyang ibang lalaking gustong halikan kundi ito lang. Minsan lang ang pagkakataong iyon.

Pumikit si Rayanne at lakas-loob na inilapat ang mga labi niya rito. She tried to immerse with her character. She was Sleeping Beauty. Comatose siya, at ang tanging magpapagising sa kanya ay ang halik ng isang prinsipe.

She felt that current of electricity zinging inside her body. Nabuhay niyon ang bawat himaymay ng laman niya. The kiss was sweet. It was something that she couldn’t get from her partner. Yzaak was a dynamite. Tulog pa ito ng lagay na iyon. Paano pa kapag gising na?

Kung si Yzaak ang prince niya sa play, baka makalimutan na niya kung ano ang gagawin sa stage oras na halikan siya nito.

Nahigit niya ang hininga nang dahan-dahang dumilat ito. Parang napapanood niya ang sarili sa Sleeping Beauty. Only it was the prince whom she woke up. And now, she was in trouble.

Mabilis na sumalampak si Rayanne sa sahig at tinalikuran ito. Kumuha agad siya ng isang pirasong chicharon at isinubo iyon. Narinig niya ang pag-ungol ni Yzaak. Hindi niya ito nilingon man lang kahit na nagtatayuan ang balahibo niya nang maramdamang tumutok sa kanyang batok ang mga mata nito.

“Rayanne, did you kiss me? O panaginip ko lang iyon?”

Namanhid ang dila niya nang sinubukan niyang magsinungaling. She was not really good at lying. “Hinalikan kita. Kasi…” Guwapo ka, lalo kapag tulog.

“Dahil sa chicharon?” tanong nito.

“Chicharon?” Tiningnan ni Rayanne ang bowl ng chicharon na hawak niya. “Ah, oo. Gusto ko lang mag-thank you.” Magaang tinapik niya ang pisngi nito. “Salamat.”

Pinigilan ng lalaki ang kamay niya. “Baka hinalikan mo rin ako kanina. Amoy-bawang ka,” sabi nito, saka siya tinalikuran. Napansin niya na banayad na ang paghinga nito.

Inambaan niya si Yzaak ng suntok. Hindi ba nito naamoy na mabango pa ang hininga niya kanina dahil hindi pa siya kumakain ng chicharon? Pasalamat ito at masarap itong halikan at binigyan pa siya ng excuse. Gusto naman talaga niyang magpasalamat sa chicharon. Iba nga lang ang motibo niya nang hinalikan ang lalaki.

Pinindot niya ang remote ng CD player at pumailanlang ang “Rose Adagio”’ ni Tchaikovsky na sasayawin niya para sa isang act ng Sleeping Beauty. Tumayo siya at kumilos ang mga paa. Nakatingkayad siya na pumunta sa bintana and she imagined charming the people inside the theater.

She felt great and energized. No doubt that she could perform at her best as Princess Aurora. She had her own prince now. Her sleeping dragon prince—Yzaak.

Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

Yzaak Argoncillo (Stallion island 3)

10 Chapters

close

book

10

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101